LABING DALAWA

1.1K 10 0
                                        

Bawat pahina nito ay nagsasaad ng kapaitan.

Melanie. Pangalang maamo ngunit may natatagong hinagpis. Bawat alaala ay syang sumisira sa pagkatao ni Caten.

Sino kaba talaga? Anong koneksyon ng pagkamatay mo sa natatanging buhay ko?

Sino ang bumaboy sa pagkatao mo?
Sino ang umagrabyado sayo?
Bakit hindi sila?
Bakit ako?

"Dahil ikaw ang itinakda. Itinakdang tumulong sa mga espiritong nakulong sa libro. Mga nawalan ng pagasa at nalimot ng ala-ala, una palang si Melanie. Marami ka pang tatahakin. Isa kang regalo. At tuparin mo sana ang inaatas na gawain para sayo."

Biglang sagot ng isang matandang multo na may tungkod. Tila ba kanina pa sya nakikinig sa hinaing ng utak ko. Para bang konektado sa kanya lahat ng inaatas ko.

"Ihingi moko ng tawad kay Melanie. Hindi sya maka-akyat ng langit dahil sa apo ko. Hindi sya maka-akyat dahil sa galit na nadarama nya. Tulungan mo sya Caten"

Dagdag pa nito. Tama nga ang hula ko. May koneksyon sya kay Melanie.

Bago pa man ako magtanong ay bigla na syang naglaho.

Nagtataka pa din ako. Sa dinami dami ng taong nakasalamuha ni Melanie. Bakit ako? Oo sabihin na natin ako ang minahal nya noon. Pero bakit ako?

Ano ba ang inaasahan nyang gagawin ko sa mga panahon na yun?

Ano ba ako noon?

At ano bang kasalanan ko sa ngayon?

Hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari.

Napansin ko nalang na muntik nakong masagasaan dahil sa malakas na busina ng sasakyan sa harapan ko.

"Caten?" ani ng driver ng naturang sasakyan.

"Sino ka?"

"Ten. Natagal na kitang nakikita sa mga panaginip ko. Ikaw. Si Melanie." saad nito.

Napatiwalag ako ng makitang may dumaang anino sa harap namin.

Tila ba isa sya sa tulay ng naturang misyon ko.

Agad akong bumalik sa wisyo at tumingin sa lalaking iyon.

"Tulungan moko. Tulungan mokong malaman ang totoo."

Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon