PANGALAWA

2.2K 25 4
                                    

Estudyanteng nagmula sa aming lugar at eto pa, isa daw itong magaaral noon sa aking paaralan na aking pinapasukan ngayon. Nakakapagtaka at namatay daw ito ng walang nakakaalam ng dahilan. Sa pagpasok namin sa tahanang pinaroroonan isang malaking salamin ang tumambad sa akin. At alam kong may kakaiba sa salamin na iyon. Unti unti akong lumapit sa salamin ng biglang may humawak sa balikat ko na aking kinagulat ng lubos. Si Kervie lang pala. "Tara na pre" ani nya sa akin. Pinauna ko sya. Tila may gusto akong mapuna sa salamin na ito. Sa paglapit ko dito. Ang salamin ay biglang bumukas at nilamon ang aking katauhan. Nagising na lamang ako pagkatapos noon sa aming tahanan at nabalitaang namatay lahat ng aking kamag-aral na kasama ko doon. Simula ng araw na yun ay di nako pumasok ng paaralan dala na ng kahihiyan at takot.

"Anak, okay lang ba talaga?" tanong ng aking ina.

"Oo naman po. Wala pong problema" aking sagot.

Ako'y kinakabahan sa bawat oras na lumilipas tila ba'y parang may mawawala sakin palagi.

Napaisip ako. Ano bang meron sa tahanan na yun? Ano bang nangyari pagkatapos kong lamunin ng mahiwagang salamin na yun. Ano nga ba? Sino o ano ba ang gumawa sa aking mga kamag-aral non? Ano bang meron sa tahanan na yun? At ano bang nangyayari sakin ngayon? Yan ang mga tanong na paulit ulit sa utak ko. Ako si Caten Akiyama, ang estudyanteng nakaranas ng matinding kababalaghan sa tahanang iyon.

Sa Likod ng mga Alaala #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon