Eight

78 6 1
                                    


"Three minutes." I heard her murmur.

Habang nakaupo rito sa likuran niya at tinitingnan siya at pakiramdam ko pinagtitinginan na rin ako ng mga kaklase ko, malapit na akong mabaliw. I know. I know now that she was referring to the president.

"He's back"

She was referring to the fcking President that she never met, or that's what I know. Paanong pati ang pagdating ng Presidente ay alam niya? Habang kami ay walang ka alam alam tungkol doon. That's why the moment Priam heard the President's calm voice, he literally ran away while screaming. Ganun na lang ang takot niya sa Presidente na hindi ko rin maintindihan. Bakit parang lahat ng tao kinakatakutan ng gagong yun? Oh fck!

"Two minutes"

Katulad ng dati, nakayuko at yakap ni Lenin yung mga binti niya habang yung tsinelas niya nasa sahig lang. Anak ng gago talaga oh! Bakit ba nakatsinelas lang to? Tsk. Pero bakit ba siya nagbibilang oras? And take note, she doesn't have any wristwatch. Pagdating ko rito ganyan na yung ayos niya, nakayuko habang suot ang maskara niya. Mas nauna pa siya sa akin! She was lucky my classmates were busy reading their books and didn't even bother bullying her. Habang siya ay walang gamit na dala. At ni hindi niya nga ako pinansin. Peste talaga! Nakikitira sa bahay namin pero pagdating dito walang pansinan? Leche!

"One minute"

Why the fck is she counting the time? Baliw.

This is the second time that she will be attending this Principles and Ideologies class. Ito lang ba ang balak niyang pasukan na subject? I thought she was taking law pero ito lang yata ang subject na balak niyang itake. Ano bang trip sa buhay ng abnormal na to?

Cut it Sage. She's not your concern.

"Fifty seconds"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Wag niyong sabihin na pati segundo ay kaya niyang bilangin ng walang mali? Oh sht! She's a monster! Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at pinagmasdan ang pag ikot ng oras.

"Forty seconds"

She's fcking accurate!

Nagpapabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa wall clock habang patuloy siya sa pag bibilang. Seriously?

"Twenty seconds"

Hindi ako tanga para isiping imposibleng masabayan mo ang oras. But she is fcking accurate with no single error!

"Ten seconds"

At makalipas ang pagbibilang niya ng sampung segundo, kasabay nun ang pagtunog ng bell.

"Zero"

Right. She was having an accurate countdown. A very accurate countdown she can now be a wall clock! Kasabay rin nun ang pagpasok ng propesor namin habang dala dala ang ilang mga papel. Right. The 500-point essay, courtesy of Storm "the fcking" Lenin!

Isa isa na iyong ibinigay sa amin. I was lucky to get an impressive score, thanks to advance reading. Habang yung iba ay nanlulumo at pinanlilisikan ng tingin si Lenin. Kasalanan niya kasi kung bakit napikon ang propesor kaya nagpa-essay. Nung iniabot na sa kanya yung papel niya, galit siyang tiningnan ng propesor.

"Confidential IQ ey? Next time, don't enter my class just to eat some blueberries without feeding your brains, Miss Lenin. "

Lahat kami nakatingin sa kanya. Oo! Mukha na kaming tsismoso katulad ni Priam. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng masungit na babaeng propesor. Napangiwi ito nung makita yung tsinelas niya.

Decoding StormWhere stories live. Discover now