Thirteen

92 7 0
                                    


Her floodgates were wide open, showing how much pain she was keeping inside her. No, it wasn't longing. Not an ounce of longing resembles the look in the lady's eyes.

Pure pain.

It was pure pain. Like she was suffering so much and it hurts too much.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa pagkabigla. Paanong ang mama ni Priam ay ganito kaapektado? She was a Sullivano, one of the most powerful woman, following her sister. Knowing that she was the mafia's number one reaper, a killing machine, would make you tremble. She has the signature cold eyes of Lady Curran, but a much more expressive one. Kung pagkukumparahin ang magkapatid na Sullivano, mas may emosyon kang makikita sa nakatatandang babae. Ang doktor naman ay halos wala kang mabasang emosyon. Ang mama ni Priam ay madalas ngumingiti kahit na nakakatakot siyang tingnan. At nakikita ko ang mga ngiting iyon sa tuwing katabi o kaya ay pinagmamasdan niya ang ama ni Priam, Professor Malcolm Cortez.

Without knowing what to say, I heard Lady Curran's ice cold voice which stopped her elder sister's cries.

"Nirvana."

One word. Just one fcking word. By calling her name, Lady Nirvana stopped from crying.

Like fck!

Ganito na ba karespetado ang mama ni Core na kahit ang mas matanda niyang kapatid ay kayang kaya niyang kontrolin? Oh sht! The mafia under her reign must have been a freezing hell. Son of a btch. Kung merong mafia ngayon at siya ang pinuno, kahit kailang ay hindi ako sasali. No fcking way!

Tumayo ang mama ni Priam habang pinupunas ang mga luha nito, habang ako ay parang tanga at gagong walang kamalay malay sa mga nangyayari. Anong kalintikan ba ang ginawa ni Lenin? Gaano ba siya kahalaga sa kanila?

"Is my baby Storm okay?"

Fck! Lenin would look more valuable to the Sullivanos than Core! To say that she was treasured just because she was Core's bestfriend is an understatement. Parang parte na talaga siya ng pamilya at siya ang pinaka iniingatan nilang nilalang. Is it possible? That Lenin might be another Sullivano?

Nah. I doubt that. Core would never hate her if that's the case.

"Sister, i'm sorry. But, can I---"

"No. It's a no."

Napayuko ang mama ni Priam habang tulalang nakatingin sa itim niyang notebook ang doktor. Hawak hawak niya ang itim niyang ballpen na pakiramdam ko ay mas mahal pa kaysa sa buhay ko. She was staring at her pen and paper blankly, but her tone was full of authority. Na para bang pinagbabawalan niyang gawin ng kapatid niya ang isang bagay. Parang ayaw niyang pagbigyan ang pabor na sana ay hihingiin nito.

"Raijin." She called the General na ngayon ko lang nahalata, nakatulala lang sa asawa niya at parang naghihintay ng utos. His hands were in his pockets, before he pushed himself away from the wall and sighed. Matapos ay tiningnan niya ako at ngumiti, malamig at blankong ngiti. Pero bago pa man makapagsalita ang heneral ay may nagsalita na mula sa may pinto.

"I'll do it, Lady Curran, brother."

I looked at the man and saw the four-star General, Trione Trivago. He's here? Bakit hindi ko napansin? Fck! Ganyan na ba ang epekto ng presensya ng mama ni Core at pati paligid mo ay hindi mo na mapapansin?

Son of a btch. She's way too scary.

Tumango ang doktor at ang asawa nito. General Trione then smiled at me.

"Let's have a man to man talk, Sage." Imwenestra niya ang kamay niya sa pinto. "After you."

At dahil nakakatakot rin ang mga tao sa loob ng opisina ng doktor ay tumayo na ako agad. Marahan akong yumuko sa magkapatid na parehong nakatingin sa kawalan, ang mama ni Priam ay paunti unting humihikbi habang parang walang emosyong nakatingin sa ballpen ang doktor, pati ang asawa nitong nakatingin lang sa magkapatid.

Decoding StormWhere stories live. Discover now