Chapter 2 "BESSY"

294 9 3
                                    

Hannah's Pov

Haay! Tapos na rin ang assembly! Gustong gusto ko nang umuwi. Hahaha. Oo. Kahit simula pa lang ng klase ko. Gusto ko nang umuwi agad.

Be ready Hannah! Isang taon lang to!

Nagsipasukan na sa room at grabe! Ang innngggaaay! Akala ko ba pag firstday tahimik kasi nagkakahiyaan pa ang bawat isa sa amin. Pero bakit ang ingay nila? Tssk!

Nakatayo ako ngayon sa gitna dahil naghahanap ako ng mauupuan.

Sa kaliwa ko may nagc-chissmisan. Sa kanan ko may nagtatawanan.
Sa likod ko may naghahampasan

Hayst! First day ba talaga to? Bakit parang magkakakilala na silang lahat? Ako lang yata ang naiba sa section 3.

Patuloy parin ako sa paghahanap ng bakanteng upuan ng napansin ko yung babaeng tahimik lang na nakaupo sa likod.

"Shit! Shandy?" Napatingin naman ito sa akin ng marinig niya ang pangalan niya.

"Hannah? Shocks!" Bigla na lamang ako nitong niyakap. Ayiie. NaMiss ko yung kalog na to.

"Kamusta na?" Kumikislap ang mata nito na halatang tuwang tuwa nang makita ako.

"Ok lang. Ikaw? Tahimik mo dito uhh. Haha"

"Wala pang kakilala ee. Thanks god! Magkaklase tayo." Sabi niya.

Ang daming nagbago sa lukang to.
Humaba na ang buhok nito na dati ay hanggang balikat niya lang. Pumuti ito at tumaba ng konti.
Pero isa lang ang sinisigurado kong hindi nagbago sa kanya. Yung pagka kalog nito. Hahahaha.

Namiss ko talaga siya. Namiss ko itong bessy ko.

Past or Present?Where stories live. Discover now