Chapter 6 "Sorry"

198 6 0
                                    

Nathan's Pov

Nandito kami ngayong lima sa may bench. Hinihintay namin si Hannah para sabay sabay na kaming pumasok.

Araw araw namin tong ginagawa para malaman namin kung may kulang ba sa gang namin.  At Kung may umabsent pa.

"Tagal!!!!" Kahit kailan talaga mainipin tong si Bella.

"Sandali lang." Sambit naman ni shandy na tila nagmamadaling umalis

"San ka?" Habol naman ni zander

"May bibilhin lang ako sa canteen" Ano kaya nangyari dun kay shandy at biglang nagmadaling tumakbo palayo.

"Susundan ko lang si Shandy"

Ayun! Naging si superhero na naman si Zander. Feeling ko talaga may gusto tong si zander kay shandy ee.

Pero, bagay naman sila. Pangalan pa lng,  Zan at Shan. hahaha

Kaso nga lang iba ang gusto ni shandy. Si Ken ang gusto nun.

Playboy naman ni zan. Ayaw ni shandy sa playboy.

Kaya mas mabuting maging kaibigan nalang sila. Hahahaha (with matching claps)






Shandy's Pov

Nakatingin lang ako sa gate na baka dumaan na si Hannah. Habang ang mga kaibigan ko, masayang nagtatawanan maliban lang kay Bella. Tsk! Sanay na kami dun.

Maya maya dumaan yung lalakeng bumubuhay sa kin araw araw. Yung nagpapangiti sa akin araw araw. Yung nakakatawanan ko maliban sa mga kaibigan ko.

He looks so handsome
From his head down to his shoes

(Lakas maka versace on the floor? Haha.)

Talaga namang nakaka agaw pansin ang lalakeng to.

Kahit na nerdy siya. Bagay naman sa kanya.

Nakalayo na ito sa amin ng hindi man lang kami napansing magkakaibigan.

Di ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na Sundan mo siya, Shandy ! Go!

Bigla na lamang ako napatayo para habulin ang lalakeng mahal ko. Si Ken Sean Shelmes.

"Sandali lang" nagmamadali kong sambit sa gang

"San ka?" Alam kong hindi mapapakali  si Zander kapag nakikita ako nitong nagmamadali kaya minabuti ko nalang na magsinungaling

"May bibilhin lang ako sa canteen" yun ang huling sinabi ko sa gang bago nagmadaling tumakbo para habulin si Ken




Nasa loob na ako ng room ngayon, habang nag aalinlangan kung kakausapin ko ba si Ken o hindi.

Ayyst! Bahala na.

"Ahm. Ken?" Shocks! Bat ako kinakabahan sa kanya?

"Hmm?" Jerk! Sumagot nga siya. Pero di man lang  ako magawang tingnan.

"B-bakit nga p-pala hindi moko hinintay kahapon?"  Nanginginig ko paring tanong

At this time, tumingin na siya sakin.

"Bakit?"

Hanudaw? Bakit? Tangina. Anong sagot yan? Tsk! Naguguluhan ako.

"Diba sabay tay---" napatigil na lamang ako nang maalala na hindi naman pla niya ako sinabihan kahapon na sabay kaming uuwi.

Damn you Shan!!!

Ako lang naman ang nag aaya sa kanya na sabay kaming uuwi tuwing hapon.

How stupid are you, Shandy Garcia !!!?

Aalis na sana ako ng hinarangan ako sa daan ni Ken Sean.

"What?" Aba.! Ako pa tinanong ng what? Ee sya nga itong humarang sa dadaanan ko. "Why, rather"

Anudaw? Ang gulo niya. !!

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Bakit di mo ako pinansin nung humiram ako sayo ng notebook?" Biglang nagseryoso ang mukha nito.

"Humiram? Kailan?" Ano ba sinasabi nito?.

"Tsk! Nevermind!" Naka kunot noo itong umalis sa daan.

"Hmp! Ok! Sorry. Sorry kung ano man yun Ken." Ako nalang ang humingi ng paumanhin kahit di ko naman alam ang dahilan ng ikinagalit niya.

Nakita ko itong pasimpleng ngumiti habang may kinukuha siya sa loob ng kanyang bag.

Di ko narin maiwasan ang mapa ngiti dahil feeling ko ang swerte ko.

Yun ba namang isipin mong ...

Ikaw ang dahilan ng pag ngiti ng crush mo

Nakss!

Past or Present?Where stories live. Discover now