Chapter 23 "Secrets"

88 2 0
                                    

Shandy's Pov


Ang dilim sa loob ng silid na'to kung saan kami pinasok ng mga lalakeng kasabwat ni Demonyita. At ramdam ko ang init dahil na rin sa pawis na tumutulo ngayon sa mukha ko. Putapete. Itatago na nga lang kami, dito pa sa lugar kung saan di kami komportable.


Tss.


"S-shan? W-where are you?" Rinig kong tugon ni Ken. Halatang nanghihina ito sa tono pa lamang ng pananalita niya.


"Im here. Nandito lang ako ken!?" kinapa ko ang sahig para mahanap ang sulok kung nasa saan siya. Medyo nahirapan ako dahil sa sobrang dilim ng paligid.


Maya maya ay biglang may naaninag akong ilaw na nagmumula sa di kalayuan. Doon ko lamang nakita kung saan nakadapa si Ken. Kaya mabilis akong pumunta sa direksyon niya.



"Gagamutin ko lang siya.  Lumayo ka muna" sambit ni Frayler na siyang dahilan ng pagbukas ng pinto kanina.


"A--aa--hhhh !!?" Napapahiyaw na lamang si Ken sa sakit habang nilalagyan ng gamot ni Frayler ang sugat niya.


Akala ko ba lahat sila demonyo dito. Bakit naisipan ng isang 'to na gamutin si Ken. Hmp! Mas mabuti na rin yun.


Matapos niyang gamutin si Ken. Ay agad naman nitong binuksan ang pinto para umalis. "T-teka lang !" Pigil ko.


Tumalikod naman si Frayler nang marinig ang tawag ko. "G-gusto ko lang tanungin kung nasa saan ang kaibigan naming si Bella?" Tugon ko. Pero nagpatuloy lamang siya sa paglalakad palayo sa amin. Na parang hindi man lang ako narinig.


Wtf !!? Ni hindi man lang ako pinansin. Tss.


Binalot ulit ng kadiliman ang bawat sulok ng silid. Nang muling saraduhan ni Frayler ang pinto paglabas niya.



"Shan. Matutulog muna ako. And please, wag mo akong iwan dito ha. Ayokong maghiwalay tayong dalawa" sambit ni Ken. Saka hinawakan ang dalawang kamay ko.


Shocks! Bakit parang kinikilig pa ako. Imbis na kabahan dahil sa nangyayari. Punyemasss !


Humiga na rin ako sa tabi niya. Habang nag iisip tungkol sa mga nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko. Ano ba ang pwede kong gawin para tulungan sila. Para ilayo sila sa gulo. Para ilayo sila sa kapahamakan.


"SHAN ??!! SHAN ??! GISING !! GISING !!!" Bigla na lamang akong napabangon ng makita ang kinakabahang emosyon ng mukha ni Hannah.


Bakit siya nandito ?!! Pano niya nalaman na nandito kami.?!
Ano bang nagyayari !!?


"HANNAH ??! ANONG GINAGAWA MO DITO ? ALAM MO NAMANG MAY HIKA KA. BAKA KUNG ANONG MANGYARI SAYO  !" Pag aalala ko.


Isa pa ito sa ayaw kong mangyari. Ang mapasali si Hannah sa gulo. Siya ang pinakamahina sa amin. Kaya dapat na siya ang mas nag iingat. Lalo na't delikado ngayon sa kamay ni Demonyita.

"That's not important. Ang mahalaga ngayon, maka alis kana. Habang wala pa si Dia" tugon niya na siyang ikinalingon ko naman sa gilid ko.


"Nasan si Ken?" Kanina lang katabi ko siya. Natulog kami pareho. Pero bakit si Hannah ang nakita ko paggising ko.


"Hindi ko alam. Wag mo nang isipin yun. Si Frayler na ang bahala sa kanya. Basta't ikaw, kailangan mong umalis ngayon"


"No. kailangan nating hanap---"



"Shandy ! Please !. Trust me."



Past or Present?Where stories live. Discover now