Chapter 15 "Something?"

92 3 0
                                    

Nathan's Pov

Thanks GOD ! At nagising na si Bella. Tuwang tuwa kaming dalawa ni Zan nang magsalita siya. Halatang nahihirapan parin ito sa lagay niya ngayon. Pero ang mahalaga gising na siya.

"How are you?" May halong kahihiyan at pagaalala kong sambit.

Binalingan lang ako nito ng isang tingin. Nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Napayuko na lamang ako. Dahil kahit sa sarili ko. Alam ko na kung anong dahilan niya sa hindi pagpansin sa akin.

"San si Shandy?" Tugon nito nang mapansin niyang kami lang ni Zan ang nasa harapan niya ngayon. Habang si Hannah naman ay mahimbing na natutulog.

"Kasama siya ni Ken ngayon"  sagot naman ni Zander.

"WHAAAAAT?? DAMN!" Bigla itong bumangon na halatang nasasaktan sa ginagawa.

"Why?" Pagtataka ni Zander nang makita ang emosyon ng mukha ni Bella na takot na takot.

Bigla itong napaluha.

"Zan... Save her! Please!" Pagmamakaawa ni Bella habang hawak hawak ang dalawang kamay ni Zander.

"Who?!! Why?!!" Naguguluhang tugon ni Zander.

What's happening to her?
Trauma?!

Tinakpan ni Bella ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang palad. Habang patuloy parin ito sa pag iyak.

"Bella. What happened to you?" Tugon ko na kinakabahan narin sa pinapakita ni Bella ngayon.

Lumipat sa akin ang tingin nito.

"Nathan. May binabalak si ate sa kanya. So please. Bantayan mo siya" binalingan niya ng tingin si Zander " Yun ang huli kong narinig kay ate matapos niya akong barilin"

"A-ano? ... Di kita maintindihan... A-ate? May ate ka?" Naguguluhang tugon ni Zander.

Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Bella. Kilala ko ang ate Dia niya. Alam kong kauri nito si Satanas. Hinding hindi ito titigil hangga't hindi siya nakakapag higanti.

Lalabas na sana ako ng silid na na'to para puntahan si Shandy at Ken. Nang hawakan ni Zan ang kwelyo ng damit ko at idinikit ang katawan ko sa dingding.

"Hindi ako papayag na magdedesisyon ka basta basta para sa mga kaibigan natin lalo na't wala akong ka alam alam. Sinubukan mo na si Bella. Hindi na kita hahayaan ngayon kay Shan" nanlilisik ang mga tingin nito sa akin.

Si Zan ang lalakeng kayang gawin ang lahat para sa kapakanan ng mga kaibigan niya. Mas pinipili nitong unahin kami kesa sa sarili nito. Chickboy pero seryoso pagdating sa usapang kaibigan.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko. "Let's go. Mamaya ko na ipapaliwanag sayo ang lahat. Kailangan muna nating puntahan si Shan".

Nakita kong kumalma ito. Matapos marinig ang mga sinabi ko.

"Mag ingat kayo" tugon naman ni Bella nang papaalis na kami. Makikita sa mga mata nito ang pag aaala para sa kapakanan naming lahat.

Kami lang ni Zander ang masasandalan nila sa mga oras na ito. Bilang kami narin ang mga lalake sa aming limang magkakaibigan.







Shandy's Pov

Naglalakad na kami pabalik ng Octah ngayon. Habang si Shopao naman ay buhat buhat ni Ken na nakatulog narin sa sobrang pagod sa kakalaro sa playground. Mas mabuti na rin na tulog ang batang to para masolo ko si Ken este para makapagpahinga na ako.

Hahaha.

"Ahm. Ken?" Pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Hmm?" Tugon nito.

"Ahm.... Kamus---"

Natigil ako sa sasabihin ko nang biglang hinila ni Ken ang kamay ko at hinigpitan ang pagkakawak dito.

Akward!

"B-bakit?" Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan. Tss.

Nag iba ang emosyon ng mukha nito. "Bilisan natin" parang may kakaiba nang banggitin niya ang mga katagang yun. Ewan. Basta na lamang bumilis ang pagtibok ng puso ko hindi dahil sa kilig kundi sa kaba.

Hindi na ako nagsalita pa. Sinunod ko na lamang ang sinabi nito na bilisan ang paglakad namin.

"Can you tell me please what's happening now?" Di ko na napigilan ang pagtaas ng tono ng pananalita ko nang mag iba ng direksyon ng daan si Ken.

Nasa likod niya ako na hawak hawak parin ang kamay ko at buhat buhat parin si Shopao. Nagtatago kami ngayon sa masikip na daanan na kahit sino ay hindi kami makikita.

"Ssshhh" senyas nito sa akin.

Sinundan ko kung saan nakatitig si Ken ngayon. Nakatingin ito sa lalakeng naka black cap, stripes na damit, at naka short. Pero isa lang ang nakapag kilala nito sa akin. Ang sapatos niyang white. Ito yung suot ng mga sikat na dancers sa school namin. Posibleng kilala nito si Covee. Posibleng iisa lang sila ng Dance crew. At posibleng studyante din ito sa paaralang pinapasukan namin.

"FRAYLER RYLL  XELYOHN" napatingin ako kay Ken nang magsalita ito.

Nanlilisik ang mga tingin nito sa lalakeng si Frayler kuno.

"Kilala mo ba siya? Bakit tayo nagtatago sa kanya?" Naguguluhan kong tanong.

Pero hindi man lang ako pinansin nang mokong na ' to. Parang hindi lang narinig ang tanong ko. Patuloy parin si Ken sa pagtitig kay Frayler na hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko masyadong makita si frayler dahil bukod sa masikip ang lugar na pinagtataguan namin. Ay tinatakpan din ni Ken dahil sa katangkaran nito.

Hindi kaya siya nangangalay sa posisyon namin?

"Tara na." Masungit na tugon nito. Nang maka alis na ang Frayler na sinasabi niya. Tss.

Pa misterious !?


"ano ba ka kasi nangyari? Sino ba yun?" Pangungulit ko sa kanya na naka simangot ngayon. Diretso lang ang tingin nito. Nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

Actually, kanina pa!

Nakarating kami sa Octah. At naabutan namin dun sina Zander at Nathan. Wooh? Bati na sila? Shocks!

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Buti naman at nandito na kayo. May nangyari ba na kakaiba sa inyo? May napansin kaba Shan? Ok ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ni Zander.

Ahm?! Weird?

"K-kanina-------"

"Wala naman nangyaring kakaiba. Bakit?" Biglang imik ni Ken.

Huh? Walang nangyari? Ee ano yung nalalaman niyang patago tago sa masikip na daanan?...

"Mabuti naman kung ganun. Salamat na lang ken." Lumipat sa akin ang tingin ni Nathan. "Tara na Shan." Sabay hila nito sa akin.

Bakit parang may napapansin ako sa mga boys. May nililihim kaya sila? Si ken? Si Zander ? Si Nathan? Bakit ganun na lamang ang pinapakita nila sa akin ngayon. Ano ba nangyayari?

Papalayo na kami. At nakita ko ring pumasok na si Ken sa Octah. Para ilapag si Shopao na kanina pang natutulog. Napagod rin siguro siya.


Hmp!

Past or Present?Where stories live. Discover now