Chapter 10 "Present"

160 5 0
                                    

Shandy's Pov

May program ngayon sa gym kaya magkakahiwalay kami ngayon ng gang. By section kasi ang pila at malayo sila sa akin. Absent naman si Hannah kaya wala akong makausap sa pila. Hayst!

Boring !

Inikot ko ang mata ko sa paligid para hanapin kung saan ang pila nina Zander, Nathan at Bella. Nang biglang may  magsalita sa stage.

"Please Welcome, the Alternative Dance Crew ! "

Shocks!! Ang sikat na grupo ng magagaling sumayaw dito sa campus.

Nagsitayuan na ang mga studyante kaya kawawa kami ngayong mga nasa likod. Hindi namin makita.

Naisipan kong makisiksik hanggang sa mapapunta ako sa unahan ng pila.

Oh diba! Diskarte lang yan!

Kick It! Kick it ! Kick it!

Sidekick by: Dawin
Ang tugtog ng sayaw nila.

Shocks! Ang gagaling nila. Kumikinang ang mata ko sa labis na pagkamangha sa kanila.

Pero isa lang ang naka agaw ng atensyon ko.

Si kuyang Boy Scout !

Kasali rin pala siya sa Dance Group na to. Siya yung tinanong ko nung first day of school kung saan ang pila ng section namin. BSP na nga, dancer pa?! Nakss!

Hindi maalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa matapos ang sayaw nila. Di ko alam pero parang inaagaw niya ang atensyon ko. Parang may bigla akong naramdaman! Shit! Hindi maaari. Wag kang mafall shandy! Wag!

Natauhan na lamang ako ng may sumigaw sa likod ko.

"Hoy! Umupo ka!" Ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala silang lahat at ako na lamang ang nakatayo.

Nahihiya akong bumalik sa kung saan ang puwesto ko.

Damn! Nakakahiya!

Hanggang sa matapos na ang program. At recess na din naman. Di ko parin mahanap ang mga kaibigan ko dahil sa dami ng tao sa gym ngayon.

Ako na lamang mag isa ang pumunta sa canteen.

"Pabili pong shomai .... salamat po"

Mag isa ako ngayong kumakain sa loob ng canteen. Haysst! Nakakawalang gana.

Bigla na lamang nag ingay sa kabilang table nang magsi-datingan ang grupo ng mga lalake.

Nanlaki ang mata ko at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Nang makita ko siya sa kabilang table.

Gosh!

Kuyang Boyscout na Dancer !

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa oras na to. Para bang may kakaiba. Pero ayokong malaman kung ano yun.

"Covee!" Tawag sa kanya ng lalake nasa kaliwang table.

Covee pala ang pangalan niya.

Nakatingin siya ngayon sa lalakeng tumawag sa kanya. Kaya napaiwas na lamang ako ng dapuan niya din ako ng tingin.

Nasa kanang table sya kasama ng mga kaibigan niya. Habang nasa kaliwang table naman ang lalakeng tumawag sa kanya. At ako ngayon ang pinag-gigitnaan nila. Shocks!

Seriously?! Mag uusap sila habang ako nasa gitna nilang dalawa?.

Weird!

"Dadaan kaba sa tambayan mamaya?" Tanong ng lalakeng nasa kaliwang table.

Past or Present?Where stories live. Discover now