Chapter 20 "Ugh!"

106 2 0
                                    

Shandy's Pov

We are all waiting here outside the clinic. Hinihintay na magising si Hannah mula sa pagkakahimatay nito kanina.

Nakakapanibago. Kasi tahimik lang  kaming lahat. Walang gustong magsalita. Walang gustong magtanong. Inikot ko ang tingin ko nang mapansin kong wala dito sina Nathan at Bella.



"Ok kalang?" ani ni Ken nang mapansing hindi ako mapakali.



Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya. "May nalalaman ka din ba?"



Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. "A-ano?" Tugon niya saka tumabi sa akin sa pagkakaupo.



"Sabi ko, kung may nalalaman ka din ba sa nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko?"



Tumingin tingin muna siya sa paligid. Saka hinila ang kamay ko papunta sa kung saan.

"Hey?" Tawag ni Covee sa amin. "San kayo pupunta?"

"Wala kana dun" madiing pagkakasabi ni Ken. Kaya napapunta sa amin ang atensyon ng lahat.

Shocks! Wag ngayon ! Mga mokong na to!?

"San ba talaga kasi kayo pupunta?" Ani ni Zander.

Napailing lang si Ken. Saka pinagpatuloy ang paglalakad na hila hila parin ang kamay ko.

"Sit?!" Seryosong sabi niya nang makadating kami sa bench kung saan niya ako dinala.

Sit ?!! Seriously?!!

"Ano ako Aso ?! Para sabihan mo ng sit? Mr. Shelmes?" Nakapameywang kong tugon.

"Uupo o uupo?!" Pasigaw niyang saad.

Lintek na 'to!? Kanina lang tinatanong ako kung ok lang ako. Tapos ngayon, magsusungit siya?!!

Isa pa talaga. Ken Sean Shelmes !! At babatukan na kita.

Padabog akong umupo sa bench. Tss. Kaya aaminin ko, sumakit yung pwet ko dun. Hmp!

"Unang tanong, Saan niyo ba nakilala yung Covee na yun?" Magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya.

"Ano to??! Parang palabas lang sa tv?! Question and answer portion?" saad ko na dahilan ng pagkaseryoso ng mukha niya.

"Sasagutin mo o babatukan kita?" Ugh! Pakyuu ka ken!?

"Sa canteen, noon. Aksidente ko siyang nakausap."

"Aksidente lang talaga?" Huminga siya ng malalim. "Anyway. Sino naman yung Zakie, Zali, , Zal---- ... tss. Nevermind"

Marahan akong napatawa sa sinabi niya. Nang hindi nito mabigkas ang pangalan ni Zalky. Haha.

Pero napatigil lamang ako ng makitang hindi parin nagbabago ang serysosong mukha niya.  "Ok. Ok. Her name is Zalky, Kaibigan siya ni Covee. Kaya namin siya nakilala. And... girlfriend daw siya ni Zander."

Dun lang nagbago ang emosyon ng mukha niya. Mula sa pagkakaseryoso ay naging inosente ang mukha nito. Na parang bata kaya mas lalo akong naiinlove. Charr! Haha. Cute niya kasi.

"Dianne Esguerra" tugon niya.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa sinabi niya.

Sino ba yun? Dianne Esguerra?

Matagal bago magsink sa utak ko yung sinabi ni Ken. Shocks! Esguerra?

It means. Yun yung sinasabi nilang kapatid ni Bella? Esguerra din ang surname ni Bella.

"Ka-kapatid ni----" putol kong saad nang muling magsalita si Ken.


"Si Dianne at ang Dia na sinasabi nila ay iisa lang. Kababata ko siya at kapatid siya ni Bella." Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Siya yung babaeng una kong niligawan. Ilang beses ko siyang sinuyo para mapasagot lang. Pero. Mas pinili niya ang kuya ko. Mas pinili niyang mahalin ito kesa sa akin na kayang gawin lahat para sa kanya"


Nanlulumo ang mga tingin nito sa akin. Na anumang oras ay papatak na ang mga luha.


"Rio Sean. Siya yung kuya ko. Siya yung taong hindi ko rin makakalimutan. Labis labis ang kasalanan na nagawa ko sa kapatid ko. Dahil lamang sa kagaguhan ko. Sa katangahan ko." Tuluyan na nga siyang umiyak.



Kaya hindi na ako nag alinlangan yakapin si Ken. Ito yung unang beses na umiyak siya sa harapan ko.


"Ipinaubaya ko si Dia sa kuya ko. Kahit na masakit. Ginawa ko. Pero isang araw, pinapunta ako ni Dia sa bahay nila. Sinabi niya sakin ang ginawa sa kanya ni Rio. Sinabi niya sa akin na hindi  siya tinanggap ng kapatid ko. Na hindi siya mahal nito. Buong gabing sinamahan ko lang si dia sa kanila. Sa mga pag iyak niya. Ako ang kasama niya araw araw kapag nalulugmok siya." Kumalas si Ken sa pagkakayakap ko sa kanya. Saka pinunasan ang mga luhang kanina pang nagpapatakan sa mukha niya.

Ganito pala kasakit ang pinagdaanan niya. May isang babae rin pala na sobra niyang minahal.


"Sobra akong nagalit kay Rio sa pag balewala niya sa nararamdaman ni Dia para sakanya. Kaya hindi ko napigilan ang galit sa puso ko. Nagawa kong suntukin at bugbugin yung kapatid ko. Hindi magawang lumaban ni Kuya kaya mas lalo akong nagalit sa kanya. At dahil sa kagaguhan ko.... Aksidenteng tumama ang ulo niya sa sa sahig."




Hinilamos nito ang mga kamay niya sa kanyang mukha. At humagulhol sa pag iyak. Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Hinihimas ko na lamang ang likod nito na baka sakaling mapagaan ko ang nararamdaman niya.

"Sabi ng doctor, napalakas ang pagkakatama ni Kuya. Dahil dun, hindi niya nakayanan. Hindi nakayanan ng katawan niya. Kaya binawian siya ng buhay" sinuntok ni Ken ang punong nasa tabi ng inuupuan naming bench. Dahilan ito ng labis na pagkabigla ko. Halos dumugo  ang kamay niya na ginamit sa pagkakasuntok.



"Dahil sa kagaguhan ko. Dahil sa pag ibig na yan. Dahil sa pagmamahal ko kay Dia. Nagawa kong patayin ang kapatid ko. Nagawa kon putulin ang buhay niya. Nagawa kong putulin ang mga pangarap niya. Wala akong kwentang kapatid at anak. Dahil sa iisang babae. Labis labis ang katangahan na ginawa ko"




Binalingan ako nito ng tingin. "Im sorry kung nakikita mo ako sa ganitong sitwasyon Shandy. Pero sana, wag mo rin akong saktan. Wag mo rin akong iwan gaya ng ginawa sa akin ni Dia."




Hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko kayang bigkasin ang mga katagang nais kong sabihin kay Ken. Tila bumilis ang pintig ng puso ko. Dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon.




"Noon pa man, Shandy. Alam kong may nararamdaman kadin sakin. Simula nung naging magkaklase tayo, nahahalata ko na yun. Hindi ko lang magawang ibalik sayo yung pagmamahal mo. Dahil natatakot na akong may madamay ulit. Kung sakaling iwan mo din ako. Pero bigla ka nang nagbago ngayon. Lalo na nang makilala mo ang Covee nayun"


Napakagat labi ako sa mga narinig ko mula kay Ken. "Ken. Kailangan na nating bumalik. Baka nagising na si Hannah"


Halata ang dismaya sa mukha niya sa sinabi ko. Hindi ko alam. Pero hindi ko magawang aminin kay Ken yung nararamdaman ko din para sa kanya.


Sabay kaming tumayo nang hinila ako nito at niyakap ng mahigpit.


Natagalan kami sa ganung posisyon. Na wala man lang sinasabing kahit isang salita.


Kusang nagkakaintindihan ang mga puso namin. Kusang nag uusap ang mga isip namin. Kusang nagdudugtong ang mga parte ng katawan namin ni Ken.



Hindi ko lubos maisip na dati. Ginagawa ko lahat, mapansin niya lang. Pero bakit ngayong sagot ko na lamang ang hinihintay niya. Hindi ko maibigay. Parang may pumipigil sa akin. Parang may nagsasabi na hindi ko dapat sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.



Ugh! Nakakagago ka talaga Panahon.


Kung kailan wala na. Saka mo naman pinapadama.

Past or Present?Where stories live. Discover now