Chapter 5 "Past"

219 5 1
                                    

Shandy's Pov

Tapos na ang recess. Nandito kami ngayon sa loob ng room. Shocks! Ang ingay nila. Tulog naman si hannah dahil wala pa naman kaming ginagawa. First day nga diba?

Wala tuloy ako makausap .... iba rin kasi ang section nila zander, bea, at nathan.

Magkaklase sina zander at nathan sa section 5. Star section naman si bea na nasa section 1.  Tsk! Expected naman.

Habang tahimik lang akong nakaupo biglang pumasok sa isip ko ang pangalan niya. Ang mga ginagawa naming kalokohan, ang mga araw na pinapangiti niya ako. Yung mga araw na puro kami tawanan, hampasan at lalong lalo na yung mga araw na sinusuyo niya ako kapag nagkakagalit kami.

I missed him.

Kamusta na kaya siya?

Ano kayang section niya?

Haay! Kung pwede lang sanang hilingin ngayon kay Lord na sana magkaklase parin kami.




FlashBack ....--

Ken's Pov

Damn!? Hindi ko pa pala tapos yung pinakopyang notes ni Ma'am Mendez sa major.

Asan na kaya si Shan. Manghihiram akong notebook niya. Baka tapos siyang kumopya.

"Hannah?! Nasan si shan?"

"Ayieee. Namimiss mo na agad yung kaibigan ko?"
Luhh. Napapano to?! Manghihiram lang naman akong notebook ee.

"Bea? Nasan si----"

"Di ko alam" masungit na sagot ni bea na halatang busyng busy sa pagbabasa ng libro.

May mga topak yata tong mga kaibigang babae  ni shandy.

Asan na ba kasi yung babaeng yon?

Nandito naman yung mga kaibigan niya pero bakit wala sya dito?

Ayuun. Dumating din.! Bat iba yata ang kasama nito at hindi ang mga kaibigan niya? May away yata silang lima.

"Shan!? Peram ng notebook mo sa ----"

Fuck! Inisnob ako. Di man lang magawang lumingon sakin.

Ano bang problema nilang lima sa akin!!

Tsk! Damn you all !!

Nakihiram na lang ako sa ibang ka major namin ni shandy.

Di ko parin talaga maiwasang isipin yung ginawa niyang pagsnob sakin. May kasalanan ba ako?

O baka naman nadamay lang ako sa problema nilang magkaibigan?






Shandy's Pov

Yass! Uwian na rin. Asan na si Ken?
Sabay kaming uuwi aa.

"Zander? Si ken?"

"Diko alam ee. Bakit? Wala ba sya sa loob ng room?" Pagtataka nito.

"Snap! Magtatanong ba ako kung nandito siya!" Pogi nga itong si zander pero kulang rin sa Vitamin CS (common sense)

Nahh! Ayun !

Nakita ko na si ken. Sasalubongin ko na sana pero....


Nilagpasan lang ako??. What the!!!

Nyareee?

Kinuha lang nito ang bag niya sa loob at lumabas ulit ng room ng hindi man lang ako pinansin.

Did I do something wrong?

"Ohh! LQ?" Damn this boy!

"Nanggugulat ka naman nathan!" Bigla bigla na lang ito sumusulpot

"Ano nga! Nag away ba kayo?"

Kailan pa to nacurious sa amin ni ken.

"Ewan ko ba dun. Di man lang ako pinansin" ano nga kaya problema nun?

Bigla na lang umalis, di man lang ako hinintay.

Haaaixt!

Kasabay ko ngayon si Zander. Pauwi na kami. Si zander lang ang nagmagandang loob na ihatid ako sa amin.

Ayaw niya daw kasi akong umuwi ng mag isa.


Yiiieee! Minsan nakakakilig din tong mokong kong kaibigan.

"Ingat ka! Zander, salamat!?" Nakadating na kami sa bahay.

Papakainin ko pa sana ng meryenda si zan pero ayaw niya. Baka daw gabihin siya dalawang bahay pa daw ang pupuntahan niya.

Pakyu ka zander! Playboy!

Pero salamat din sa paghatid ...



Author: Gusto ko lang sabihin na ...

Kapag may tiyaga,
May nilaga

Sana pag tiyagaan mong basahin tong story ko 😉 labyaaah.

fb: Mhek Parrenas Maguillano

Past or Present?Where stories live. Discover now