Chapter 30 "Happy Ending"

110 5 0
                                    

Shandy's Pov

Isang taon na ang nakalipas... At madami na ang nagbago...

Pero... mas nanatiling matatag ang pagkakaibigan namin. Kahit na hindi na kami ganun nagkakasama. Paano kasi... busy na sa pamilya. At sa lovelife.  

Si Bella at Nathan ay nagkatuluyan. Legal na sila sa pamilya ng isa't isa.

Si Hannah ang inaakala kong magkakaboyfriend ng foreigner? Ayuun... Kay Frayler ang bagsak. Haha. Pero bagay sila. At tyaka hindi pa nga lang sila legal. Dahil medyo bata pa si Hannah. Hindi pa pwede sa parents niya. Pero kahit na ganun, naging sila pa din ni Frayler. Patago nga lang.

Nagpatuloy naman ang relasyon nina Zander at Zalky. Inferness, hindi na chickboy si Zan. Tumigil na siya. Dahil kay Zalky. At proud ako sa ginawang pagbago ng kaibigan ko. Naman.


Si Dianne naman ay nakalaya na. Nasa ibang bansa na siya ngayon. Matagal na niyang pinagsisihan ang ginawa niya sa amin. Lalo na sa kapatid niyang si Bella. Kaya siya nagpakalayo, para makalimot at mapagsisihan ang mga nagawa niyang kasalanan.

Madami mang pagsubok na pinagdaanan. Heto. Nagiging matatag parin. At kung hindi dahil sa pagsubok na yun. Hindi kami makakakilala ng mga bagong kaibigan. At hindi rin kami matututong lumaban. Kung hindi dahil dun.


"Shan... Di kapa ba tapos dyan?"

"Ahm. Heto na... patapos na. Ending na ng story itong ginagawa ko... Teka lang"

Paano yan!!? Tinatawag na ako ng boyfriend ko at tyaka ng mga kaibigan ko. Sana nagustuhan niyo itong story ko. Kahit na medyo may pagka jeje.

Haha. Ok guyss... hahayaan ko na kayo kay Author. Pupuntahan ko na ang mga kaibigan ko. Tyaka yung mahal kong boyfriend. Hihih.

Author: Sino kaya ang naging boyfriend ni Shandy? Ok... curious na ako... 😍

"Ang tagal mo dun Shan aa... Natapos mo na ba yung story mo?"  Ani ni Bella.

"Oo... Hinayaan ko na yun kay Author. Siya na bahala"  masaya kong sambit.

Napabaling naman ako sa lalakeng hawak hawak ngayon ang kamay ko.

"Bakit?" Nakangiti kong sambit.

"Wala... Miss lang kita"

"Asuus!" Ginulo ko ang buhok niya.

"I Love you Shan..."

"I Love you too Ken"

Past or Present?Where stories live. Discover now