Isang normal na naman sanang araw kung hindi pinapunta ni kuya dito yung apat na lalaking yun.
Ang aga kong nagising dahil sa ingay nila. May test pa naman kami mamaya,pero ayos lang. Makababa na nga kase nandoon si Keifer, siya nga pala ang ultimate crush ko. Makababa na nga para makasilay.
Habang bumababa ako nang hagdan narining kong naguusap sila sa sala. Dahan dahan akong humahakbang dahil gusto ko marinig usapan nila.
Oo chismosa na kung chismosa. Eh malay ko naman kung ano pinaguusapan nila. Baka mamaya gulo to eh, susumbong ko talaga sila kay mama. HAHAHA lalo ka na kuya!
So ayun, ok na sana kaso "Ahhhhhhh". Napasigaw ako nang bigla akong nadulas ako sa hagdan. Sakit ng pwet ko dai.
So yun okay na din sana yung pagiging chismosa mode ko kaso nabuking ako. Ang epic nakakahiya.
Tinignan ko si kuya. Halata mong nagpipigil sya ng tawa tapos "HAHAHHAHAHAH"ayun tumawa na sya ng malakas,di niya na napigilan yung bibig niya. Jusko ipapahiya talaga ako ng sarili kong kuya eh. Sarap toplakan.
Tatayo na ako nang biglang nagsalita si Xander.
"Sa susunod magingat ka,tanga ka pa naman."
Sabay tawa ng mokong! Arghh nangiinis talaga to eh. Pinigilan ko sarili kong sagutin siya. Totoo naman eh.
Napatingin ako kay Keifer.
Mukang naturn off siya sa ginawa ko. Parang gusto ko nalang kainin nang lupa ngayon dahil sa kahihiyan. Napaiwas ako nang tingin.Di ko mapigilan ang sarili ko kaya tumingin ulit ako sa kanya. Nanikip yung dibdib ko nang bigla niya akong nginitian.
Yung ngiting pamatay. Nakakatunaw. Yung ngiti na ay parang sinasabi nya na okay lang yan. Tapos tumango nalang ako, grabe nakakahiya yun.
Pumunta agad ako ng kusina. Di ko kayang manatili dun. Hiyang hiya ako.
Pag dating ko sa kusina binigyan agad ako ni mama ng pancake.
"Kumain ka na baby"sabi ni mama.
"Anyare?mukang bad mood ang baby girl ko ah". Di ko maitago ang pagkainis at pagkahiya ko sa nangyari.
"Ah eh" sasagot na sana akong nang biglang dumating sila kuya.
"Pano ma nahulog siya sa hagdan" sabi ni kuya.
"Opo tita HAHAHAHAHA nakakatawa sya kanina" sabi ni Xander. Nakakayamot talaga tong tubol nato.
"Ah ganun ba, ang bad niyo ah inaasar niyo baby ko. Tama nayan, sige na kain na kayo" Sabi ni mama.
Sabay sabay kaming umupo at ang swerte ko kase katabi ko si Keifer. Nasa bandang kanan ko siya. Nararamdaman ko ang pagkainit ng pisngi ko. Sigurado akong pulang pula na ito.
Okay na sana kaso may umupong epal sa tabi ko. Si Xander na umupo naman sa kaliwa ko. Niyayamot ba ako nito?
"Oh bat dito ka uupo?"pagsusugit ko.
"Bakit masama ba?" Nangaasar na sagot nya. Inirapan ko nalang siya.
Si kuya pinag gigitnaan ni kuya Blake at Alex. Magkapatid sila at di magpakakaila na may hawig talaga sila. Parehas silang may matangos na ilong, magandang panga, makapal na kilay at itim na mga mata. Ang pagkakaiba lang nila at si Alex ay maputi at mukang inosente samantalang moreno at mukang masungit naman si Kuya Blake.
Si mama naman nasa dulo ng lamesa dahil dun daw yung mga matataas sa pamilya, sabi nila. Si papa ay nasa Canada. Kakabalik niya lang dun galing dito upang magbakasyon. Isang buwan na ang nakakalipas simula nung umalis siya ulit.
Nandun kase yung kumpanya namin. "L' Enterprise de Fransisco" ang pangalan nun. French ng "Fransisco's Company".
Si Papa ang may hawak nun. Half French half Filipino kase si papa. Si Lolo, which is papa niya ay French.
Kumakain na kami. Sobrang takaw ng mga to. Napatingin ako kay mama at napatingin din sya sakin. Ngumiti kami at umiling. Hays,mga lalake to talaga kung kumain akala mo ay mauubusan.
Kumuha ako ng pancake ko. Kaso na kay kuya Blake yung chocolate syrup kaya pinaabot ko.
"Kuya Blake pakiabot po nung chocolate syrup" sabay turo ko. Aabot na sana ni kuya Blake kaso itong si Xander kinuha.
"Kunin mo sakin kung kaya mo" sabay takbo. Ako naman eto hinabol ko din siya. Kala niya papatalo ako ah.
Ayun tumakbo kami sa buong sala, medyo malaki tong bahay kaya nakakapagod. Sakto naman nung malapit nako sa kanya.
Bigla naman siyang napatid. Sa sobrang lakas ng puwersa ay napatid ako sa kanyang paa. Nakapatong ako sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang sigundo. Bakit ganon, may kakaiba akong naramdaman. Ang weird.
Gusto kong tumayo ngunit may parte saking ayaw umalis. Bakit ganito? Likas na ba ang kalandian sa dugo ko?
"Ayieeeee" sabay sabay yung tatlo maliban kay Keifer. Seryoso ang kanyang mukha kaya naman tumayo agad ako.
Naunang tumayo si Xander at agad akong inalalayang tumayo. "Sorry" sabi niya nang hindi tumitingin sakin.
"Pero naenjoy ko yun" sabay kindat nang mokong. Tawang tawa pa siya sa sinabi niya.
"Ako din naman eh. Pero mas masaya sana kung di ikaw yun" sabay tingin ko kay Keifer na sakto namang nakatingin samin.
Naramdaman ko pag pagiinit nang aking pisngi.Napatingin din si Xander kay Keifer at sabay patabog na lumayo sa akin. "Ano problema non?"bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/99972222-288-k867002.jpg)
BINABASA MO ANG
Were Meant To Be
Teen FictionHi guys. Itong kwentong to ay tungkol sa isang magandang babae at sa limang bad boys. Inspired by blue_maiden hehez. Hope youuuu enjoyyyy reading! God bless💖 Add or follow me o facebook: Jamaira Salandanan