Chapter 9 (Can You Be My Prom Date?)

939 35 28
                                    

Jam's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng katok ng pinto ko. Sila Yam pala. "Jam! Buksan moto" agad ko namang binuksan ang pinto.

"Ano nangyare?"tanong ko dahil sa kalabog nila sa pinto kong muntik na masira -_-

"Bilisan mo mag ayos,ngayon na iaannounce ung sa Prom natin! Bukas na yun!"sabi ni Yam.

Oo nga pala no. "Omg wait maliligo nako,kumain na kayo dun!"sabi ko sabay sara ko sa pinto.

Natataranta nako HAHAHAHA kase first time ko to! Agad akong naligo mga 10 minutes lang. Tapos nagayos nakonagbihis, nagsuklay,pulbo,liptint at pabango yun lang sabay baba ko.

"Oh ngayon ka lang?"sabi ni kuya. Shemay puyat to ah pero nauna pa sya sakin. Actually lahat sila ready to go na.

"Di naman kayo exited no?"tanong ko.. Sabay tawa nila! "HAHAHAAH tara na nga"sabi ni kuya. "Teka di pa ako kumakain." Sabi ko. "Gutom nako"dagdag ko.

"Lol mag dridrive thru nalang tayo. Di pa din kami kumakain eh" sabi ni kuya. Yes! HAHAHAH

Sumakay na kami ng kotse. Nag drive thru kami sa Mcdo. Umorder ako ng burger with fries then coffee kase maaga pa tapos mag cococ agad ako. Sasakit tyan ko dun.

Tapos ng bumili ang lahat then kumakain na kami. Bago kami makarating sa school ubos na namin ang pagkain namin at saktong pag dating namin sa school. Nag bell na para sa first Subject namin.

Nagmadali na kaming mga babae pero ung boys chill lang. Paglakad namin biglang sumigaw si Keifer.

"Bye bebe Yam!" Sigaw nya. Napatigil ako,ewan pero biglang humito ung mga paa ko sa paglakad.

"Kayo na ba?"tanong ko kay Yam. "Hindi no,Jam ano ka ba,iyo na yan mahal mo sya eh"sabi ni Yam.

"Eh anong magagawa ko..kahit mahal ko sya kung iba naman mahal nya di ko parin sya matatawag na pagmamay ari ko"sabi ko kay Yam.

Kita ko sa mga mata ni Yam ang lungkot kaya naman sinabi ko na

"Pero ok lang,Yam kung mahal mo din sya ok lang sakin. Makakamove on din ako."sabi ko kay Yam tumingin lang sya sakin bago pa sya magsalita,nagsalita na agad ako. "Tara na late na tayo"sabi ko sabay ngiti.

Nagmamadali kaming maglakad papunta sa room namin. Andun na mga kaklase namin pero ung teacher namin wala pa. Hay salamat. Pag pasok namin sa room etong mga klaklase namin kung makatingin kala mo pumatay kami eh.

"Nalate lang kami di kami pumatay ok?"nagkasabay na sabi namin Ni Yam.

Tumawa nalang kami at umupo sa upuan namin. Pag upo ko biglang bumulong si Yam sakin.

"Sorry Jam ah"sabi nya. "Huh?bat ka nag sosorry?Mahal mo na din si Keifer no?"sabi ko.

Hinihintay ko sagot sya maya maya tumango sya. "Sorry Jam."naiiyak na sabi ni Yam.

"Anong sorry,wala yun, di naman kase mahirap mahalin si Keifer eh. Ok lang,kung maging kayo man alagaan mo sya ah?pag pinaiyak ka nga sabihin mo sakin reresbak ako." Sabi ko kay Yam.

Oo inaamin ko masakit pero anong magagawa ko? Mas importante sakin ang Friendship namin ni Yam no. Kesa naman masira ang Friendship namin dahil lang sa iisang lalaki. No way.

Rule ata namin ni Yam yun. Di kami papayag na masira ang FRIENDSHIP namin dahil lang sa iisang lalaki. Yan HAHAHAHAA

Makalipas ang ilang minuto. Dumating na ang teacher namin. At May dalang cartolina. Pinaskil sya na ito sa blackboard namin.

"Nabasa nyo naman na ata ito dahil nakapaskil na ito all around the campus."sabi ni maam.

Were Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon