Chapter 4

950 39 3
                                        

Jam's POV

"Anong sorry? wala kang kasalanan. Ako ung pakialamera eh. Kaya ako rin may kasalanan nito."sambit ko sa kanya

"Tara na pumunta na tayo ng clinic ng di na yan lumala"sagot nya

Pumunta kami sa clinic ni Xander, grabe nakakabingi ung katahimikan. Hawak nya lang ung kamay ko pero di sya nagsasalita.

Ako ginagamot nung nurse yung kamay kong napaso. Habang ginagamot nung nurse ung kamay ko,di ko maiwasan maluha.

Jusko po,Grave ang sakit dai. Pinunasan ko agad luha ko nung naramdaman kong patulo na, baka mamaya makita na naman ni Xander tapos sisihin nya sarili nya eh.

Napatingin ako kay Xander at nakaupo lang sya sa sofa ng clinic at nakahawak ung dalawang kamay nya sa mukha nya. Sinisisi ba nya sarili nya?

"Ok na po, dito ka nalang muna magstay. Pero kailangan may bantay ka bukod sakin. Isama mo na si kuyang pogi" sabi nung nurse sabay tingin kay Xander at mukhang kinikilig.

Myghad pati ba naman tong nurse nabihag nya?lakas talaga ng kamandag nung mokong nayun. Immune na ata ako kaya di ako natatablan nyan.

Tsaka wait ganun ba kalala to? Napaso lang naman ako. Isang daliri lang to jusko

Pumunta ako sa may higaan. Sinulit ko na dito clinic no.

Pagkakita sakin ni Xander agad naman itong pumunta sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko. Grabe nakakatunaw.

"Ayos ka na?Sorry ulit ah."sabi nya.

"Ok na ako.Wag mo nga sisihin sarili mo tsaka paso lang to no. Di ako mamamatay dito."sabi ko.

"Ayos ka naman na pala eh. Aalis nako"sabay talikod ng mokong.

Naalala ko ung sinabi ng nurse pano ko ba naman di maaalala eh ang sama ngtingin sakin. Mukang makakain ako eh.

"Uhm Xander,Pwede bang dito ka muna, samahan moko?"sabi ko shemayy nakakahiya yung ginawa ko. Tumingin sya sakin at nagsalita.

"Bakit ayaw mokong wala sa tabi mo no?" Pangaasar nyang sabi.

Ano sya chix sinunod ko lang naman ung sinabi ng nurse eh.Yun lang yun.

"Sabi kase ng nurse kailangan daw may magbantay sakin eh ikaw na ung nandito.Ok lang ba?"sabi ko.

Nakatitig sya sakin ng mga ilang segundo at nagsalita "Pano ung 2nd subject ko?" Tanong nya. Oo nga pala.

"Sige kung ayaw mo ok lang."sabi ko sabay ngiti at tumalikod ako sa kanya habang nakahiga sa kama.

"Kaya kong ipagpalit ang lahat para sayo."seryoso nyang sabi. Di ko makita mukha nya kase nakatalikod ako diba.

Di na ako humarap sa kanya. Maya maya naramdaman ko ung kamang lumubong. Umupo pala sya sa kama.

May nafeel akong kakaiba pero di ko mapaliwanag. Jam anyare sayo?Maya maya eh hinimas himas nya ung.. Yung ano... Yung buhok ko kase.

"Matulog ka muna, dito lang ako di kita iiwan". Sabi nya.

Biglang bumilis tibok  ng puso ko dahil sa sinabi nya. Ang sexy nung boses nya. Ang sarap sa pakiramdam ung may naghihimas ng buhok mo no?.

Makalipas ang ilang minuto nakatulog nako.

Ilang minuto narin ako nakatulog kaya nung nagbell ng 2nd subject. Nagulat akooo,

Were Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon