Jam's POV
Sumakay na kami nang kotse. Ang weird ang tahimik ni Xander. May nagawa bako?tekaaa Jam dapat matuwa ka kase di ka na niya kinukulit.
Mga ilang minuto ang nakalipas, grabe ang tahimik. Mabasag nga ang katahimikan.
"Xander may problema ba?"tanong ko. Tumingin lang sya sakin tapos ngumiti. Duh ano kaya yun?"Sumagot ka naman,may problema ka ba?"
"Ako may problema?"hindi ko na sya pinatapos at nagsalita nako "Alangan namang sino kausap ko eh tayong dalawa lang naman nandito"pilosopo kong sabi.
"Kahit kelan napaka palabiro mo"sabi nya "Kaya gusto kita eh"bulong nya.
"Huh?aba bubulong bulong ka pa ah,ano yun?" Tanong ko. Di ko naman talaga narinig eh.
"Ah wala,sabi ko ang ganda mo sana kung di ka lang pangit" sabi nya...
aba nangiinis na naman siya eh pero mas ok na ung ganto kesa kanina na ang tahimik nya, di bagay sa kanya eh HAHAHA.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa school. 4th year high school nako. Pangalan ng school namin is Xavier University.
Dapat collage na kami ni kuya kaso sya huminto dahil sa kabulastugan nya. Ako naman napahinto dahil dati pabalik balik kami sa Canada kaya ayun. Kailangan kong mag repeat. so sad pero ok na yun ang importante nakakapag aral.
Nagpark na si Xander sa parking lot ng school. Lumabas si Xander at pinagbuksan ako ng pinto. Aba gentleman din naman pala to eh.
Pag labas namin ng kotse sumigaw agad si Yam,ung bff ko.
"Jam!" Sigaw nya..."Bakit Yam?"ang kyut ng tawagan namin no HAHAHA bff kase mga mama namin kaya napagkasunduan nilang yan maging pangalan namin.
"Aba di ka nagsasabi ah."sabay tingin kay Xander. Tsk ano ba iniisip nya.
"Stay strong" sabay ngiti."Anong stay strong!" Sigaw ni Xander.
"Di pa kami no!"sabi nya. Huwatt! Nahihibang na ba sya?
"Ahh di PA ba."sabi ni yam at may diin pa talaga sa PA ah!busett.
"Hoy Yam tumigil ka nga! Tara na baka malate pa tayo"pag kasabi ko non sakto naman nagbell para sa first subject namin.
"Oh yan na,Tara na!"sabay hila ko sa kanya.
"Pano si Xander. Di ba yun papasok?"tanong ni Yam.Napatingin naman ako kay Xander at aba nakasandal pa sya sa kotse nya at kumuha ng kaha ng sigarilyo. Ano to?
"Wait lang Yam ah"ani ko."Sige lang Jam,i'll wait for you here"sabi nya.
Pumunta agad ako kay Xander at kinuha ko ung sigarilyo nya at sa kamalas malasan nga naman, ang nahawakan ko pa eh ung may sindi. Dakilang tanga talaga si ako Oo
"Ouch!"sigaw ko. Napaso lang naman ako ng sigarilyo. Hay ang galing ko talaga.
"Oh!bat mo naman kase inagaw?"pag aalala ni Xander. Sabay kuha ng kamay ko Teka totoo ba to...nag aalala sya sakin?
"Dapat kase pinabayaan mo nalang ako dito."sabi nya."Nasaktan ka pa tuloy"pag aalala nyang sabi.
"Bat ka pa kase naninigarilyo. Pumasok ka na nga!"sigaw ko habang nakahawak sa kamay ko,ang sakit kayang mapaso.
Sa di inaasahan. Nahawakan ko yung kamay nya nakahawak sa kamay ko.
Napatigil ako. Inangat ko ung ulo ko at nakita ko syang nakatingin sakin. At to be honest. Ang pogi talaga nya.
"Tara na!" Sigaw ni Yam.
"Tsk panira ng moment"bulong ni Xander
"Huh?"sabi ko. "Ah wala sabi ko tara na dadalhin kita sa clinic." Sabi ni Xander
"Pano yung first subject ko?"tanong ko.
"Bakit?mas mahalaga kaya yung kalagayan mo kesa dun."sabi nya."Kaya tara na.!sabay hila sa akin."
Tumakbo naman si Yam papunta samin ng makita nya ung kamay ko. Ang hapdi shete!
"Jam anong nangyari?!"pag aalala nya. "Ah eh"di pa ako nakakatapos sumagot na agad si Xander.
"Kasalanan ko."seryoso yung mukha nya. Di ko naman sya sinisisi ah.
"Di mo kasalanan,nangialam ako eh"sabi ko.
"Ikaw nalang pumasok Yam. Pakisabi nalang sa teacher mo na nasa clinic si Jam. Pakisundo sya mamaya sa clinic bago mag bell ng 3rd subject. Her Hand needs a rest"seryoso nyang sabi.
"Jam Sorry"sabi ni Xander sabay tulo ng luha nya. Totoo ba to?umiiyak sya?
BINABASA MO ANG
Were Meant To Be
JugendliteraturHi guys. Itong kwentong to ay tungkol sa isang magandang babae at sa limang bad boys. Inspired by blue_maiden hehez. Hope youuuu enjoyyyy reading! God bless💖 Add or follow me o facebook: Jamaira Salandanan