Chapter 10

482 14 9
                                    

Jam's POV

Sabay sabay na kaming pumasok sa bahay. Hawak hawak ko yung bulaklak at si Xander hawak yung bear at chocolates.

Sila Kuya Jonaz nakaakbay kay ate kate. Si Kuya blake naka hawak sa kamay ni ate kristel. Si alex naman nakahawak sa bewang ni Ate Heart. Si Yam at Keifer naka holding hands.

Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa mga nangyayare. Bat ginawa ni Xander yun? Bakit?

Kinausap ko si Xander. "Xander. Ano ibig sabihin neto?" Tanong ko

Tumingin sya sakin. "Gusto ko lang romantic yung pag tanong ko kung pwede ka bang maging Partner. Para cool" sabi ni Xander

"Nag effort ka pa,pwede namang simpleng tanong lang" sabi ko. Kahit mayaman sila. At barya lang sa kanya to. Ayoko padin.

"Ok lang para naman sayo eh" sabi ni Xander.

Ramdam na ramdam kong uminit yung muka ko. Teka kinikilig bako? Shet hindi. Hindi

"O.M.G kinikilig ang bebe ko" sigaw ni ate kate na naging dahilan ng pangtingin samin ng lahat.

"Ayieeeeeeeee" tama ako. Yan ang inasahan kong sasabihin nila samin. At sabi ko na nga ba sabay sabay sila. Ano sila choir?

Inirapan ko sila. Nakaka badtrip sila. Tumingin ako kay Xander at nagulat ako kase namumula sya.

"Bat ka namumula? Kinikilig ka no?" Pangaasar ko.

"Ako kikiligin? Asa ka" sabi nya. Edi ok.

"Kpayn" sagot ko na kinatawa ng lahat. May nakakatawa ba sa sinabi ko o sadyang mga putaragis lang tong mga tao dito?

Napaisip ako. Sa sabado na pala yung Prom namin. Tuesday na at apat na araw nalang.

"Kelan tayo bibili ng damit?" Tanong ni ate heart.

"Sa bukas" sagot ni Yam. Baliw talaga

"Wala nakong pera!" Sabi ko na naging dahilan na naman ng pagtawa nila. Putaragis talaga ang babaw ng kasiyahan nila.

"Anong nakakatawa?" Masungit na tanong ko. "Tigilan nyoko wala akong pera kaya mainit na ulo ko" dagdag ko pa

"Don't worry little sis nagpaalam nako kay mama at pwede na tayong mag withdraw" sabi ni Kuya Jonaz. Di kase kami pinagwiwithdraw ng walang katuturan. Tinuturan nya kase kami magtipid Di daw kase habang buhay tong kayamanan namin.

"Yesssssss! Whooo! Werpa" sigaw ko. At usual tumawa na naman sila. Lord bat ganto tong mga to. Di dapat sila nandito eh dapat nasa mental sila.

"Ako nalang talaga matino satin no?" Sabi ko na kinatahimik nila.

"Kain muna ako" sabi ni Alex at hinila ni Ate Heart.

"Manonood na kami"sabi ni ate kate sabay hila kay kuya jonaz.

"Sama na kami" sabi ni keifer na nakahawak sa kamay ni Yam.

"Mga wala kayong pag support sakin! Totoo naman ah! Ako nalang matino satin! Lahat kayo takas sa mental" sigaw ko sabay tawa.

"Ang bad nyo" nahuhula nako shet kung ano kinababaw ng kaligayahan nila ganun kababaw luha ko. Napahiya ako eh nakakaiyak.

"Tatawa tapos iiyak? Sino kaya totoong takas sa mental?" Sigaw ni kuya. Narinig ko mga tawa nilang mahina. Pakyu kayong lahat wala kayong dulot!

"Ikaw ano aalis ka din? Iwan mo na din ako" sabi ko kay Xander na nasa tabi ko.

"Kung sila iniwan ka. Ibahin moko. Dahil hanggang humihinga ako dito lang ako sa tabi mo" sagot ni Xander

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Were Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon