Chapter 7(SleepOver 1)

662 25 2
                                    

Jam's POV

Pagtapos naming magusap ni kuya agad kaming lumabas ng kwarto. Naka akbay sya sakin habang pababa kami ng hadgan. Minsan naiisip ko na ang swerte ko sa kuya ko. Pero minsan din naiisip ko na ang malas ko sa kuya ko.

"Tapos na ba ang usapang pangmagkapatid?"tanong ni Alex.

"Baka gusto mong tayo naman ang magusap?"pananakot ni kuya.

"Sabi ko nga tapos na kayo eh"agad na sagot naman ni alex.

"Kain na."teka parang kilala ko ung boses nayun ah? Agad akong pumunta sa kusina para malaman ko kung sino yun at sobrang saya ko ng makita kong si Ate Katelyn pala.

"Ate"sabi ko sabay yakap sa kanya. "Makikisleepover din kami dito"sabi ni ate. Huh?kami? eh sya lang naman andito??

Pagkasabi ko nun agad namang bumukas ung pinto at nagulat ako kase andito sila Yam,Ate Heart at si Ate Joy.

"Girls!"sigaw ko sabay punta sa kanila at niyakap ko sila.

"Ilang araw kayo dito?"tanong ko. "Baka ngayong gabi lang ako bebe girl"sabi ate ate Joy.

"Ako din Jam"sabi ni yam. "Huwag mong sabihing pati ikaw ate heart ngayong gabi lang din?"sabi ko sabay pout.

"Oo eh,sorry"sabi ni ate Heart. Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Pero gumaan pakiramdam ko nung sinabi ni ate katelyn na..

"Ako bebe girl,dito ako mag stay kasama nyo hanggang wala mama nyo,bilin ni tita ako daw muna bahala dito sa bahay nyo kase daw wala syang tiwala sa kuya mo pagdating sa bahay. Kase alam ni tita na puro gala gagawin ng mga yan"sabi ni ate katelyn

"Dami nyong sinasabi kala ko ba kakain na?gutom nako baby"sabi ni kuya.

"Baby mo muka mo!"sabi naman ni ate katelyn. Ang kyut nila.

"Tara na bebe girl kain na tayo"yaya ni ate Katelyn sakin. Agad naman kaming pumunta sa kusina at nandun na silang lahat. "Tagal nyo gutom nako"sabi ni alex.

"Eh bat di ka kumain agad kanina?"tanong ni ate katelyn. "Nakakahiya naman sayo eh,ikaw nagluto eh"sabi ni alex.

Kumakain na kami,merong onting kwentuhang naganap halos lahat may nasabing kwento maliban kay Xander. Anong problema ng mokong nato?

Pagtapos namin kumain nauna na si Xander sa sala. Di man lang tumulong magligpit ng pinagkainan eh sya nga tong may pinakamaraming nakain.

Kinuha ko ung mga plato at nilagay ko sa lababo. "Kami na ni joy dito,dun ka na sa sala bebe girl. Mamaya gagawa ako ng cookies at papadeliever tayo ng pizza para gawin nating midnight snacks."sabi ni ate katelyn.

Agad naman akong pumunta sa sala at umupo....sa tabi ni Xander.

"May problema ka ba?"tanong ko. "Bakit mo natanong?"tanong naman nya.

"Kase kanina ka pa di kumikibo eh." Sabi ko.

"Miss mo na agad ako?"pangaasar nya. "Nagtanong lang miss agad?"pangbabara ko naman.

"Ok"tipid nyang sagot. Anyare dito??

Nanonood kami ng tv ng napatingin ako sa taas nun. May box na pamilyar sakin. Ang alam ko kwintas yun at singsing ewan ko lang kung kanino galing. Maya maya biglang dumilim ung paningin ko. Di ko alam kung bakit?

Nung nagdilim paningin ko,may naaninag akong lalaki. Di ko makita muka nya.

Sobrang sakit ng ulo ko pag pilit kong inaalala ung muka nya. Sa sobrang sakit ng ng ulo ko napahawak nako sa binti ni Xander. Then everything went black.

Were Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon