Jam's POV
Medyo malalim na ang gabi. Mag aalauna na ng gabi. Bumangon ako para uminom ng tubig.
Medyo masakit ulo ko,alam ko lang nahilo ako kanina tapos yun madilim na lahat...wait kanina?madaling araw na pala. Bali kagabi HAHAHAH .
Ang pagkaka alala ko sa sofa ako nakahiga pero pag gising ko nasa kwarto nako.
Pagbaba ko dumiretso agad ako sa kusina at uminom. Pagtapos ko uminom,aakyat na sana ko pero nakita ko sila kuya sa sala. Bat di pa natutulog tong mga to? Lumapit ako para kausapin si kuya.
"Kuya bat di pa kayo natutulog?gabing gabi na oh?may pasok pa bukas?dapat bukas nalang kayo magpuyat eh. Friday na bukas este ngayon."sabi ko
"Onting kwentuhan lang to HAHAHAHA"sabi ni kuya sabay tawa ni kuya blake.
"Asan po pala sila Yam?"tanong ko. "Nandun sa guest room. Magkakasama sila."sabi ni kuya
"Lalabas lang kami saglit ah?bibili lang kami ni kuya blake mo ng inumin sa 7/11 dun sa labas ng village, saglit lang kami."sabi ni kuya blake.
"Sige po ingat po kayo ah"sabi ko,mabait ata si aq.
"Sama kami" sabi nila alex na ni Keifer na paasa.
Lumabas na silang lahat maliban kay mokong na tulog na tulog na. Bali nakatalikod sya sakin. Pag alis nila lumapit ako kay Xander ng di ko alam ang dahilan,ang alam ko lang gusto ko syang lapitan. Huh?anyare sakin?
Tinitigan ko ung mata nya. Ang haba ng pilik mata nya. Tapos ang pula ng lips, ang tangos pa ng ilong tas ang kinis ng pes.
Bigla syang umubo. Nagulat ako kala ko magigising na sya di pa pala. Amoy alak hininga nya. Ang baho talaga ng alak.
Mga ilang sigundo balik na ulit sya sa dati. Ako naman balik din sa titig sa kanya.
"Pogi ka sana kung di lang panget ugali no"bulong ko. Teka anong pogi jam?gising ka nga. Sinampal ko sarili ko
Awts masakit ah,bat ko ginawa yun?tanga ko talaga.
Umupo nako sa tabi nya, bali naka upo ako sa tabi ng ulo nya. Tapos narining ko sya nagsalita.
"Mahal kita" sabi nya medyo mahina. Sino kaya tong mahal ng mokong nato.
"Mahal kita jaaahhh" huh?bitin? Bat di nya tinuloy saka sinong jaaahh??
Di ako mapakali. Hinihintay ko na sabihin nya ung buong pangalan nung mahal nya pero bat ganun? Naiinis akoo...bat ganto??sino ba kase yung babaeng yun? Nayayamot ako ng di ko alam kung bakit.
Maya maya narinig kong bumukas na ung pinto at nakita ako ni Alex .
"Ikaw Jam ah,chinachansingan mo ang Xander namin ah" pangaasar nya.
Anong chansing? "Excuse me di ko chinachansingan tong kaibigan nyo. Iyong iyo na from head to toe."mataray kong sabi.
"Amin sya ngayon pero siguro pag dating ng araw sayo na yan pati abs nya."sabi ni alex. Anong mapapasakin? Baliw ba sya.
"Anong mapapasakin!???"inis kong tanong
"Kase mahallll"di pa tapos mag salita ni alex at pinutol na ni kuya blake ang usapan.
"Marinig ka ni Jonaz gago."sabi ni kuya blake"Anong maririnig ni kuya saka anong mahal?"sabi ko
"Baka kase marining ni kuya mo na-a-aa"huminto sya at mukang di nya alam ang sasabihin.
"Baka marining kami ni kuya mo na inaasar ka, Oo tama lagot kami dun"sabi ni kuya blake.
"Ah e ano ung mahal?"curious is aq eh.
"Maha-l a-n-g bigas ,oo ang bigas"sabi ni alex. Kala ko naman kung anong mahal.
"Ah un lang pala eh pero bat ka pinagpawisan dun?yun lang pala.?"sabi ko sabay tawa.
Nagtinginan sila at mukang nag papatayan na sa isip nila HAHAHAHAH ang kyut nilang tignan. Pero mas cute ako
Maya maya pumasok na si kuya. "Bat nahuli ka?"tanong ko.
"Pinark ko pa kung kotse,medyo mahirap muntik nga bumanga eh. Ung earth kase umiikot nahilo tuloy ako. "Sabi ni kuya.
"Anong earth??lasing ka na kase kuya.
Akyat na ko,goodnight"sabi ko at umakyat nako sa taas.Pagbukas ko ng kwarto ko agad akong humiga sa kama ko. Naisip ko ung mahal ni Xander yung Jaaahhh HAHAHAHAHA .
Pero teka bat ko ba iniisip yun? Anyare sayo jam?bat gustong gusto mo atang malaman? May saltik na ba utak mo?
BINABASA MO ANG
Were Meant To Be
Teen FictionHi guys. Itong kwentong to ay tungkol sa isang magandang babae at sa limang bad boys. Inspired by blue_maiden hehez. Hope youuuu enjoyyyy reading! God bless💖 Add or follow me o facebook: Jamaira Salandanan