Tapos na kaming kumain. Umakyat na ako sa kwarto ko para maghanda. Maya maya kase papasok nako.
Yung apat. May mga dalang uniform nila. May damit nga rin sila dito eh. Ewan ko ba pero parang eto na bahay nila, paano ba naman kase palagi silang nandito. Konti nalang magkakapalit na sila ng mukha HAHAHA.
Naligo nako. Pag tapos ko lumabas agad ako ng cr. Naka bathrobe lang ako at sakto namang may kumatok.
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagkakakatok. Sa sobrang lakas ay parang gigibain na yung pintuan ng kwarto ko.
Agad agad akong pumunta sa pinto para buksan yun tsaka para matigil na ang marahas na pagkatok dito.
Pag bukas ko nang pinto ay nanlaki ang mga mata ko dahil si Xander ang bumungad sakin.
"Oh anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang isa kong kilay na naging dahilan ng pagtawa niya.
"Dito na daw ako maligo sabi ng kuya mo!" Ani niya nang nakangiti na naging dahilan naman nang pagkunot nang noo ko. Seryoso ba siya?
"Pano kung ayoko?" Pagtataray kong sabi.
Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Nakakaasar. Ano bang nakakatawa? "Ayaw mo pala ah, sige susubong nalang kita sa kuya mo". Seryoso niyang sabi at tumalikod sakin.
Biglang nanikip ang dibdib ko. Kinabahan ako, ayokong nagagalit si kuya sa akin. Pag nagaway pa naman kami nun natitiis niya talaga akong di kausapin. Ayoko na mangyari yung kagaya dati. Isang buwan ba namang walang pansinan. Isang buwan niya akong natiis na hindi kausapin. Diba ang tibay nya?
Bago pa man makaalis si Xander eh hinawakan ko na agad yung braso niya.
"Oo na, dito ka na maligo. Pasalamat ka mahal--"
"Oo alam kong mahal moko"sabay tawa. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?
"Patapusin mo muna kase ako, Pasalamat ka mahal ko si kuya at ayaw ko siyang magalit sa akin. Assumero ah". Pagkasabi ko non ay tinaggal ko pagkakahawak ko sa braso niya at umirap sa kawalan.
Siya mahal ko? Asa siya. Si Keifer kaya ang nagmamayari ng puso ko.
"Sus alam ko namang mahal mo din ako,malay mo matutunan din kitang mahalin"sabay ngiti niya at nilagpasan ako papuntang banyo.
Napaawang ang labi ko at naistatwa sa kanyang sinabi.
"Ano ka chicks!?"sabi ko sabay sarado ng pinto.
"Ang gwapo ko tapos sasabihan mo lang ako nang chicks? Ano ako paglaki manok?" Patawa niyang sabi habang nakatalikod at naglalakad malapit sa pinto ng banyo.
Napakayabang ng tubol na yun. Sana may dumaan na madinding hangin at tangayin siya.
"Asa ka!"sabi ko sabay upo sa harap ng salamin para magayos. Napatigil naman siya sa paglalakad at biglang napatingin sa akin.
"Ano papasok ka ba o hindi" Nakahalukipkip kong sabi.
"Tinignan ko lang yung ekpresyon mo" ani niya sabay talikod at pasok sa banyo.
Nang nakatapos na siya maligo ay saktong kakatapos ko lang din magayos. Simple lang ang ginawa ko. Nag bb cream lang ako at nag lagay ng kaoting pampapula ng pingi at sabay liptint. Makapal na kase ang kilay ko kaya di nako nag eeffort dun.
Pumasok naman ako sa walk in closet ko at nagbihis. Pag labas ko ay nakita ko siyang nakatingin sa picture ko. Nakatuwalya pa siya at nakita ko ang makisig niyang likod. Ang ganda nang katawan nya. Basa at magulo pa ang kanyang buhok.
"Hoy anong ginagawa mo!" Sigaw ko. Sabay lapit sa kanya.
"Eto natutulog" nagpeke pa sya ng hilik.
"Magayos ka na at aalis na tayo. Ayokong mahuli sa klase." Pagtataray kong sabi. Agad naman siyang tumango at tumungo sa pinto walk in closet ko bitbit ang kanyang damit. Binuksan ko naman ang pintuan nang aking kwarto dahil naiwan ko ang cellphone ko sa sala kanina.
Bumaba na ako. Agad akong nagtungo sa sala at kinuha ang cellphone kong nasa center table. Pumunta ako sa kusina dahil wala sila kuya sa sala.
Pagdating ko sa kusina ay si mama at yung mga yaya lang namin nandito. Nasaan sila kuya?
"Nasaan po sila?"tanong ko. Malay ko namang iniwan kami eh.
"Ah umalis na sila kani kanina lang."Sabi na nga ba eh. Ano bang naisip nung mga yon at iniwan kami dito. Napairap ako sa kawalan. Nakakainis.
"Kung Iniwan ako ni kuya,saan ako sasabay?"sabi ko sabay pout.
"Edi kay Xander muna, may kotse naman siya eh. Wala yung kotse ko eh pinacar wash ko muna." Serysong sabi ni mama.
Ako sasabay kay Xander? No Way. "Ayaw ko mama ,di ako sasabay sa kanya. Di ko matitiis na kasama ko siya sa iisang kotse no?" Yamot kong sabi.
"Sasabay ka o sasabay ka!?"pagtataray ni mama. Napahinto ako sa pagirap. Nakakatakot yung mukha niya pag seryoso. Tsaka seryoso ba siya sa tanong niya? May mapagpipilian bako dun?
"Opo eto na nga eh. Sasabay na"sabi ko. Tumalikod ako upang bumalik sa kwarto. Bago pa man ako makalabas sa kusina ay narinig ko si mama na natatawa "Yan ang baby ko,masunurin".
Plinano to nila kuya panigurado, gusto niya akong inisin kase alam niyang inis na inis ako kay Xander.
"Hays kuya ko talaga!"bulong ko. Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko ,narinig ko si Xander na kumanta sa closet. Kinakanta niya harana.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayoYung boses niya di ko maipagkakailang maganda talaga. Siya yung pinakamagaling kumanta sa kanilang limang magkakaibigan.
Umupo ako sa upuan ng kwarto ko at nag facebook. Maya maya ay lumabas na siya sa closet ko.
Nakauniporme na siya at bitbit niya ang kwalya niya. Napakalakas ng datin niya. Magulo at basa pa rin ang kaniyang mga buhok. Napalunok ako at napaiwas nang tingin nang nakitang nakatingin din siya sa akin.
"Picturan mo nalang kaya ako kesa matunaw ako sa titig mo" naramdaman ko ang paginit nang pisngi ko. Nakakahiya.
"Di kaya ako nakatitig sayo, napatingin lang ako."sabi ko. Magkaiba kaya yun.
"Ayaw pa umamin eh pero sige sabi mo eh"sabay kindat.
"Bilisan mo! malalate na tayo!"sigaw ko. "Huh teka bat di ka sumabay sa kuya mo?" Tanong niya. "Iniwan nila tayo, sayo na daw ako sasabay" inis kong sabi.
"Hays Tadhana nga naman."sabay ngiti niya. Baliw ba siya? Anong tadhana ang pinagsasabi neto?
Lumipas ang ilang minuto. Natapos din siya sa pag aayos. Nakaayos na ang kanyang buhok. "Tara na" sabi niya. May kakaiba sa boses niya.
"Kala ko di ka na matatapos eh"sabi ko.
Kala ko mang aasar siya ngunit ngumiti lang. Bat may naramdaman akong kakaiba? Ang weird. Galit ba siya?May nagawa bako?

BINABASA MO ANG
Were Meant To Be
Ficção AdolescenteHi guys. Itong kwentong to ay tungkol sa isang magandang babae at sa limang bad boys. Inspired by blue_maiden hehez. Hope youuuu enjoyyyy reading! God bless💖 Add or follow me o facebook: Jamaira Salandanan