DESTINY DID IT

145 3 1
                                    

Na bo-bored ako nun and that was the first time that I tried omegle. Medyo naiintriga din kasi ako because some of my friends met their boyfriends thru omegle pero hindi naman ako ganon ka desperate para maghanap ng love dun wala lang, I just need someone to talk to, medyo stress kasi sa acads so there.

I used FEU/UST/ as my interest. Para maiba iba lang.

Nang biglang may lumabas na
"You both like UST"

Stranger: Hi
(kinakabahan ako, I don't usually talk to strangers kasi)

Me: Hello!

Stranger: Ano name mo?

Me: Klara (second name ko ayaw ko kasi ibigay ung first)

Stranger: Ah ako si Kenneth.

Me: Ah hello.
(nagkatanungan ng personal infos blah blah)

Suddenly, napunta sa acads.
We have the same course which is Psych. Dahil dun nag click, naging interesting yung usapan, nagkaroon ng rapport sa isa't isa. Nagkaroon ng joke time, nagkapalitan ng iba't ibang topic, funny conversations hanggang sa umabot kami ng 3 midnight.
Napunta sa lovelife..

Stranger: Do you have a boyfriend?

Me: None. Hehehe

Stranger: Really? Me too, soulmates?

Me: Sparks?

Stranger: U know what? I like you.

Me: Why?

Stranger: I don't know. I already like your personality tho ilang oras palang kita nakakausap. And you're the only person na nakapag pasaya sakin ng ganito. I like you.

Me: Really? (in my mind: sus mga galawan mo alam ko naman marami kanang pinagsabihan niyan! Wag ako! Hehe psych's instincts lang)

Stranger: Yes. I'm not lying, pareho tayong psych at alam ko ang tumatakbo sa isip mo.

Me: Oh wow?! *amazed*

Stranger: Yes, kaya handa akong patunayan sayo na I'm sincere and I'm different among every guys out there. May I court you?

Me: How?

Stranger: Give me your facebook.

Me: Ayoko nga noh? (ayokong ibigay kasi ayokong maging physical appearance ang batayan nya sa panliligaw)

Stranger: Okay, give me your number and let me prove you.

Me: Hmmmmm..

Stranger: Wag kang matakot hindi ako rapist or anything. Mabuti akong tao promise. Hope to die!

Me: Okay.. *I gave my number*
(as I talked to him, mukha namang hindi siya masamang tao kaya nagka tiwala naman ako)

Stranger: Thank you my girl let the wooing begin. Hehehe

Me: Sige lang. (in my mind: Tignan natin kung mauto mo ako at magamitan mo ko ng manipulating powers ng psych bwahahaha)

After that we decided to end our omegle conversation para matulog. But before ako matulog, I received a text from him.

"Good night my girl. I am so glad na nakilala kita. You know what's optimism right? Alam ko in the end mapapasagot kita. Thank you for trusting me anyway. Sweet dreams my girl."

*I didn't reply.

Kinabukasan...

Nagising ako sa ingay ng ring sa phone ko. Tumatawag siya alas sais ng umaga. Nyeta lang. Hahaha. So sinagot ko kahit antok antok pa.

Me: Hello!

Him: Good morning! Have your breakfast na. Masama ung hindi nag uumagahan. Breakfast is the most important meal of the day right? Wake up na po!

Me: Ah sige tatayo na. Thank you :)
(Naalala ko ung nabasa ko sa libro na signs of being a responsible man ay yung gumigising ng maaga) so another pogi points for him.

Stranger: Okay my girl, bye.

Kada oras nag tetext siya, kada gabi tumatawag siya. Never naging boring ang topic because we have the same interests, hobbies, course, favorites, almost everything na nga eh. Three weeks or almost one month siyang matyagang naging ganun. Continues, walang palya sa pagiging masugid na manliligaw. I admit it, medyo na fa-fall na kami sa isa't isa. Madalas naring nagkakaroon ng sweet conversation kapag nag uusap kami. Nakaka lambot naman kasi kaagad ng puso makita ung lalaking alam mong walang pagod mag effort para makilala ka.

Until one day we decided to meet. As a psych medyo mag ne-negative think muna sa safetiness at sa trust ko sa kanya. Kaya nag decide ako na sa loob ng UST nalang tutal taga dun naman siya. Hindi nalang ako mag u-uniform para iwas alam nyo na. Pumayag naman agad siya.

The day of our meet up..

"Goodmorning my girl. Eto na, grabe na te-tense ako, sa wakas makikita na kita. Hahaha! Excited ako na medyo kinakabahan. Uy sana wag ka madisappoint sa itsura ko ha? Panget lang kasi ako. Baka kasi nag eexpect ka eh :( Basta see u later. Pasok na ako sa school. Ingat my girl. :)"
*Copy + paste from his text message*

Dumating na ung oras na pinag usapan...

"Hi my girl, nandito na ako sa lover's lane. Naka blue bag, naka white uniform, naka eye glass, see you :)"

Malayo palang ako nakakita na ako ng lalaking nakaupo sa gitna ng lovers lane, naka blue bag, naka white, same as what he've said. Nag dahan dahan ako pumunta sa likod niya para i-surprise at gulatin siya.

Me: HIIIII KENEEEEETH! *sabay hawak sa dalawang balikat niya*

*humarap siya*

Him: Hi Klara!

O_O
O_O

TEKAAAA!!!

Me: John Kenneth S*******?!!!
Him: Maria Klara D* *****?!!

IKAW?!

O_O
O_O

WTF?! How playful this destiny is! My first love. My puppy love. My highschool ex boyfriend na sobrang minahal ko kaya ang tagal bago ako naka move on!! 😨

We broke up dahil nag migrate sila sa canada with his family since then nawalan na kami ng communication pero alam namin sa na kahit kailan hindi namin nakalimutan ang isa't isa. But It's been FIVE YEARS! Five f*cking years since we saw each other! Second year HS to fourth year college. Sino ba naman ang mag aakalang mag tagpong muli ang landas naming dalawa!

Him: GOD! I miss you so much!
*tears were falling from her eyes with a big smile on his face*

Hindi ko narin kinaya kaya naiyak narin ako and we hugged each other so tight. ❤️

Him: Thank you GOD! Thank you so much for making my one and only love back!

And that was the day we met, AGAIN.

Ngayon, palagi kaming magkasama at halos hindi na mapag hiwalay. Everyday, pinapalitan  namin ung mga araw na malayo kami sa isa't isa and we made a promise to each other na hinding hindi na kami ulit magkakahiwalay pa.

PS: We did this confession together.

Psych Lovers
FEU Secret Files

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon