TRUE-TO-LIFE STORY

213 8 0
                                    

"Kahit na ilang beses akong nag-mukhang tanga at nasaktan sa rejections mo sa kaka-tanong kung may pag-asa ba ako sayo noon, worth it naman lahat dahil boyfriend na kita ngayon."

Thousands of rejections and I'm still here, hoping that someday you'll learn to love me. Hindi ako sumuko kahit na nakakababa ng tingin dahil babae ako. Ganun naman talaga siguro e? Kung mahal mo yung isang tao, lahat ng posibleng pwedeng gawin ay gagawin mo. Imagine, I asked him, "Hey, may pag-asa ba ako?" And his answer was, "Meron naman pero wag kang umasa. Ay ganito na lang, WALA."

Nakakabwisit ka kasi. Bakit mo pa 'ko kinaibigan? Hindi mo ba alam na fall na fall na ako sayo sa sobrang komportable mong kasama? Tiniis ko lahat ng sakit. Naalala ko pa yung panahong nilalapitan mo 'ko tuwing magta-tanong ka kung ano'ng magandang ibigay sa mahal mo, tuwing magpapa-advice ka sa pasts mo at iba pa. Lahat ng 'yun tiniis ko. Pafall ka kasi. Sobrang sweet mo. Babae lang naman ako, marupok at madaling mahulog sa taong pinapa-halagahan ako. And I really hate you for being like that. Mas lalo mo 'kong pinaasa.

Humigit 150 days akong nagdasal ng taimtim para lang magustuhan mo ako and thank God, my prayer was fulfilled. Nagulat na lang ako ng bigla mong sinabing seseryosohin mo na ako sa gitna ng ating pagkukunyari bilang mag-boyfriend/girlfriend. Well, I was the one who suggested to pretend that we're in a relationship to lessen the pain I feel upon his rejections. Pinilit ko pa siya nun at buti na lang pumayag siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisip na gawin yun pero feel ko kasi mas magiging maayos yung pakiramdam ko kahit mas lalo akong masasaktan sa huli dahil KUNYARIAN lang. I never expected that he would take our fake relationship seriously kaya ganun na lang akong nagulat sa sinabi niya. Sabi pa niya, nafall na daw siya sakin noon pero ayaw niya pang magmahal dahil baka masaktan niya lang daw ako.

Limang araw pagkatapos niya sabihing seseryosohin niya na ako, tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw at sino ba naman ako para tumanggi sa kanya? I let him.

September 9, 2016. Araw na nagpropose siya sakin sa stage ng Ayala Malls, District. Hindi man lang nahiya sa maraming tao. Omfg.

P.S. Alam 'to ng nanay ko at alam kong walang forever. Salamat.

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon