HINDI NAGPAPALIGAW

740 9 0
                                    

Despite of her negative attitudes, I still love her as I always do. Normal na sa mga babae yung pagiging abnormal. Para sakin, mas nakaka-turn on pa nga pag ganun kaysa girlfriend na cold.

Ako nga pala si Adonis, ang fictional perfect boyfriend ni Aimi. Oo, perfect pero hindi ko na ide-describe. Basta yung bang lalaking tipo mo. Oh, i-imagine mo na para mafeel mo yung character ko.

Aimi's POV

"Hi, Aimi!" Magandang pagbati sakin ni Chester pagkalabas ko sa school.

"Hello, pauwi ka na rin?" Tanong ko habang naglalakad na pauwi sa apartment na tinitirahan namin ni Adonis.

"Ah, oo. Aimi, J.co nga pala. Nabalitaan ko kasing favorite mo 'to eh." Sabay bigay niya sakin ng isang box ng J.co.

Napangiti naman ako. "Aw, salamat. Pero bawal ka manligaw ha?"

"Kapal mo naman!" Sabay batok sakin. "Pero.. bawal nga?" Ngek. Biglang ganun.

Ngumiti ako saka binatukan din siya. "Bawal nga! Alam mo naman si Dugong, seloso. Sige uwi na ako!"

"Wait! Aimi!" Pero hindi niya na ako napatigil dahil tumakbo agad ako pauwi.

Mwahaha. J.co! ♡ Sabay naming uubusin to ni Kolokoy!

Pagkadating ko sa apartment, masaya ko siyang binati. "I'm home, bibi ko!"

Napatingin kaagad siya sa dala ko habang nakaharap sa salamin at nagbubunot ng buhok niya sa kili-kili.

"Saan galing yan?" Tanong niya habang nakakunot-noo.

Lumapit muna ako sa kanya sabay humalik sa labi. "Sa J.co."

"Tss. Eh kanino galing yan?"

Dahil honest ako... "Kay Chester, kaklase ko. Tara bibi kainin na natin to!"

Agad kong binuksan yung box sa side table ng kama para dito na kainin. Pero natigil ako nung tignan ko yung reaksyon niya.

"Nagpapaligaw ka dun? Tss. Ikaw na lang kumain niyan. Kadiri." Sabi niya at biglang lumabas sa kwarto.

"Uy, Adonis naman eh! Wag ka ngang pabebe. Parehas nating favorite to. Sige na kainin na natin."

"Sayo naman binigay yan di ba? Edi ikaw na lang kumain. Mamaya madamay ako sa gayuma niyan eh." Saad niya at binuksan yung TV saka umupo sa sofa.

Dahil abnormal ako, simula na akong mag-init. "Kingina! Pabebe. Kung ayaw mo, edi wag! Akala naman kasi nagpapaligaw. Porket ba binigyan, nanliligaw na kaagad? Buti nga sinabi ko sayo kung sino yung nagbigay eh."

Mag-isa ko na lang kinain yung J.co habang nagbubunganga sa kanya.

"Ewan ko sayo, Aimi. Ang ingay mo."

"Edi ako na maingay! Kingina mo. Dugong ka! Kolokoy! Manyak! Pabebe!" Hindi na lang siya nagsalita. Buong maghapon kaming nanahimik dahil siya, nanunuod lang ng TV at ako naman, nilantakan na lahat nung donuts.

Kahit hindi ko kaya, tinitiis kong wag siyang kausapin. Siya na nga yung inaalok, pabebe pa. Kingina.

Hanggang sa matutulog na kami pero hindi pa rin nagpapansinan. Naligo na siya at naligo na rin ako pero pagkalabas ko sa CR ng kwarto, nagtaka ako dahil hindi pa rin siya nakahiga sa kama.

Nagbihis muna ako ng pantulog bago siya chineck sa sala. Pagkakita ko, mahimbing na yung tulog sa sofa. Tinabihan ko siya dahil kasya naman kami. Niyakap ko siya sa likod at sinabing...

"Kolokoy naman e. Matitiis kong wag kang kausapin pero yung hindi ka katabi matulog? Hays. 5 years na tayong magkatabi palagi eh. Please naman. Tabihan mo ko sa kama... tapos pag gising mo pwede mo na ko ulit wag pansinin."

Ilang segundo kong hinintay yung sagot niya. "Ikaw naman kasi. Nagpa-paligaw ka dun." Sabi niya habang nakatalikod sakin.

"Adonis, hindi ako nagpapaligaw. Tatlong beses ko ba dapat sabihin? O sige. Hindi ako nagpapaligaw. Hindi ako nagpapaligaw. Hindi ako nagpapaligaw. Oh ayan na bi, sorry na." Suyo ko sa kanya habang kinakagat ng mahina yung likod niya.

Humarap siya sakin at tumingin ng daretso sa mata ko. "Sorry kung hindi ako mayaman. Sorry kung hindi ko kayang ibigay lahat ng gusto mo. Sorry kung hindi ko pa nabibili yung dream house natin. Pero kaya kong patunayan kung gaano kalaking effort yung binibigay ko para lang mapasaya ka. Kung gaano karaming sperm cells yung sinasayang mo tuwing gabi at kung gaano kita kamahal."

Sinampal ko siya ng mahina saka humalik sa labi niya. "Drama mo naman. Hindi mo na kailangan patunayan lahat ng yan dahil nararamdaman ko naman. Tsaka, bakit nasama yung sperm cells mo?"

Kinagat niya yung labi ko saka nilamas yung kaliwa kong dibdib. "Malamang, ang libog mo kayang babae ka. Biruin mo yun? Alas dos ng madaling araw, kakalabitin ako para lang mag-ano."

Natawa ako sa sinabi niya saka kinagat din yung labi niya. "Wow ha! Gusto mo din naman."

"Malamang! Kapag umayaw kaya ako, magagalit ka. Hahaha. I love you, Kurdapya." Saka humalik sa labi ko.

"I love you too, Kolokoy." I embrace my hands to his neck while kissing him.

"Doon ka sa taong hindi ka man kayang bigyan ng mamahaling materyal na bagay, ang mahalaga kaya kang mahalin ng tunay."

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon