DOTA

338 8 0
                                    

Adonis' POV

"Ay putangina! KS Lord amputa!" Sigaw ni JM habang naglalaro kami ng Dota dito sa comp. shop.

Wala si Aimi sa apartment. Pumunta kila mama para bumisita. Gusto ko sanang sumama pero ayaw niya. Ewan ko ba dun. Inatake na naman ng pagka-abnormal. Kaya ako ito, chill lang.

*Phone ringing*

Kinuha ko yung phone ko at sinagot yung tawag niya.

"Hello, babe." Bati ko habang busy sa pagdo-dota.

"Nasaan ka?"

"Ano ba yan. Ang ganda ng bati ko ayan naman pambungad mong tanong." Sabi ko na muntik na mapamura dahil namatay ako sa game.

"Tss. Bakit hindi mo na lang sagutin yung tanong ko? Nasaan ka?!" Sigaw niya.

"Nasa bahay po. Sorry na."

"Sus. Peksman?"

"Opo! Peksman." Sabi ko.

"Mamatay ka man?"

"Oo."

"Mamatay man ako?"

I quit the game. "Sige na nga, uuwi na ako."

"Iniisip ko pa lang kung paano pag nawala ka, hindi ko na kaya."

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon