"TAGA"

340 10 0
                                    

Adonis' POV

"Hoy, Kolokoy! Tulog ka na naman! Labhan mo nga 'tong brief mo! May tae-tae pa!" Pagbulabog niya sakin habang natutulog sa kwarto.

Naalimpungatan ako sa sigaw niya. Sabadong-sabado, ayan yung maririnig ko.

"Kapal mo naman! Wala yang tae noh. Baka tae mo." Bulong ko habang inaayos na yung sarili ko.

Tumayo na ako sa kama. Nag-toothbrush, naghilamos at nag-almusal muna ako bago labhan yung BRIEF NA MAY TAE na sinasabi niya.

Pagkatingin ko... "Aimi, wala naman e! Niloloko mo lang yata ako. Inistorbo pa yung tulog ko." Sigaw ko para marinig niya.

Nung lumapit siya sakin, may dala-dala siyang planggana habang nakangiti. "Hihi. Joke lang. Tutal naglalaba ka naman, labhan mo na din tong damit ko. Thank you baby! Ang bait mo talaga. I love you."

Saka niya iniwan sakin yung marumi niyang damit.

King inang girlfriend to.

"Yung boyfriend na 'TAGA' TAGA luto, TAGA laba, TAGA linis, TAGA pamalengke... sila yung masarap mahalin. HAHAHAHA."

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon