MY FAULT

111 3 1
                                    

"Nakipag-break ako sa kaniya kasi may gusto na akong iba.

Pag gising ko nang umaga, nabasa ko na agad yung goodmorning text niya, 'Good morning mahal! Eat na ng breakfast. I love you.' -- 'Kita tayo mamaya, may sasabihin akong importante.' reply ko.

Nangungulit siya sa text kung ano yun pero hindi ko na siya nireplyan.

Nagkita kami sa Infinitea tapat ng Gate 3. Pawis na pawis ako nang dumating kasi mainit sa labas. Kumuha siya ng panyo sa bag at pinunasan niya pa ang pawis sa mukha ko. Nag tanong siya, 'Order na kita, anong gusto mo?' -- 'Wag na, sandali lang 'to.' sagot ko.

'Mag-break na tayo.' - sabi ko.

'Huh? Nag bibiro ka ba? Hindi nakakatawa.' - sagot niya. seryoso ang mukha niya at namumugto na ang mata na nagbabadya ng kaniyang pag-iyak.

'Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako.'

'Bakit?' -tanong niya.

Hindi ko masabing may iba na akong gusto kasi ayaw ko siyang lalong masaktan. 4 years naging kami at hindi ko kakayanin na durugin lalo ang puso niya. Kaya ang isinagot ko nalang...

'Kasi gusto kong mag-focus muna sa pag-aaral.'

'Bakit? Nakakasagabal na ba ako sayo? Bibigyan kita ng time para sa pag-aaral mo. Kung gusto mo, wag na muna tayong mag kita, o hindi na muna kita iistorbohin, hindi na kita kukulitin, promise. Pero please, wag mo naman akong iwan.' - sagot niya habang tumutulo na ang luha sa mga mata niya.

Pero umalis pa rin ako. At iniwan siyang umiiyak.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil at last, nasabi ko rin ang matagal ko nang gustong sabihin. Nahihirapan kasi akong itago ang relasyon namin ng bago ko sa kaniya. At nagu-guilty na rin ako sa araw-araw na ipinapakita ko sa kaniya na masaya ako at ipinapangakong siya lang ang mahal ko, kahit hindi na ganun.

Pagkatapos kong makipag-hiwalay sa kaniya, dumiretso at pinuntahan ko agad yung bago ko para sabihin sa kaniyang break na kami ng girlfriend ko. Tuwang-tuwa siya dahil official na kami at hindi na kailangang mag-settle sa patagong relasyon. Tinatanong niya pa kung ano raw ang reaksyon ng girlfriend ko at nung sinabi kong umiyak at nagmakaawa, tinawanan niya pa.

Cinelebrate namin ng bago ko yung nangyari. Uminom kami, nag s*x, sa condo niya hanggang sa makatulog na kami pareho.

4am, nagising ako nang may nareceive akong text galing sa phone ng girlfriend ko.

'Patay na si Ingrid, Kev. Mama niya to.'

Napabaliko ako sa kinahihigaan ko habang nakahiga pa yung bago kong babae sa dibdib ko. Bumangon ako at tinawagan ang cellphone ng girlfriend ko. Mama niya ang ang sumagot. Nalaman kong pumunta pala ang girlfriend ko sa bahay namin para makipag-usap. Nag hintay siya hanggang alas-onse ng gabi. At sa pag-uwi niya, naaksidente siya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang marinig ko yun sa mama niya. Gusto kong umiyak pero nangibabaw yung guilt sakin dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kaniya. Naging selfish ako. Hindi ko inisip na masasaktan ko siya. At kahit sa huling hininga niya, ako pa rin ang nasa isip niya. Nagawa niya pang mag-type ng..

'Happy anniversary'

Pero hindi niya na nagawang i-send.

Sa sobrang busy ko sa ibang babae, hindi ko man lang naalala na Anniversary nga pala namin nung araw na yun. Araw na nakipaghiwalay ako. Araw na nawala siya sakin."

Kev
FEU Secret Files

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon