NAPKIN

346 8 3
                                    

Adonis' POV

Ang tagal naman ng kurdapya na 'yun.

Nandito nga pala kami sa SM. Walang magawa sa apartment kaya magpa-palamig lang kami.

Dahil sa dami niyang ininom na McFlurry, ayun. Nasa C.R. siya ngayon para umihi.

Fifteen minutes na yata siyang umihi at hindi pa rin lumalabas. Papunta pa lang ako sa tapat ng ladies' room, naririnig ko na yung sigaw niya.

"ADONIS!"

Tumakbo kaagad ako. Papasok sana ako sa loob pero maraming babae.

"Ikaw ba si Adonis? Kanina pa siya sumisigaw. Hindi yata makalabas." Sabi sakin ng isang babae habang hindi pa rin ako pumapasok sa loob.

"Aimi! Andito na ko. Bakit mo ko tinatawag?!" Tanong ko.

"TANGINA! KANINA PA KO SIGAW NG SIGAW DITO EH. HALIKA DITO KUNIN MO YUNG LIMANG PISO NA IAABOT KO. BUMILI KA NG NAPKIN DIYAN SA GILID. KING INA. WRONG TIME. MERON AKO." Sigaw niya. Nahihiya na ako sa iskandalong ginagawa niya. Yung ibang nakarinig, natatawa.

"A-ano ka?! Ayoko nga!" Sabi ko.

"Tangina! Palalabasin mo ko ng naka-hubo?!"

"Edi magbihis ka!"

Yung mga babae sa room tawa ng tawa saming dalawa dahil sa sigawan namin. Ewan ko ba diyan sa taong yan! Parang gago eh.

"Pag ako nakalabas dito! Babanatan kita. Bumili ka na nga!" Sigaw niya ulit.

"Hindi naman kita nanay ah! Kung maka-utos ka naman dyan." Pero sa totoo lang, gusto ko nang sundin yung utos niya pero pinapahiya niya ako eh.

"Wow ha! Eh bakit ikaw? Hindi naman kita anak pero kung maka-dede ka sakin halos matanggal na yung utong ko!"

Napapikit at napakamot ako sa ulo nung sinabi niya yun. Feel ko pulang-pula na ako sa kahihiyan na ginagawa niya.

Pumasok na talaga ako sa room at kinuha yung limang piso saka bumili ng napkin.

"No matter how strong I am, you're still my weakness."

Sincerely,
-Your Boyfriend

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon