HEART DONOR

231 7 0
                                    

Aimi's POV

Nandito ako sa ospital, naghahanda para sa bypass operation. Matagal na pala akong may sakit sa puso kaya madalas akong atakihin.

Ilang oras ang nakalipas matapos ang operasyon at nagising na ako. Nakita ko si papa, naka-upo sa couch kaya tinawag ko agad siya.

"Papa..."

Lumapit siya sa akin para kausapin ako. "Oh, gising ka na. Ayos ka lang ba? Ano na'ng pakiramdam mo, anak?"

Ngumiti ako. "Okay na ako, Pa. Hmmm... Nasaan nga pala si Adonis?"

Napatahimik si Papa.

"Hindi mo ba alam kung sino yung heart donor mo?"

I was shocked. Hindi ko maiwasang umiyak ng hagulgol at yumakap kay papa.

Kaya pala ang sweet niya kagabi...

Kaya pala lagi niya akong pinagbi-bilinan..

"Joke lang, anak. Nandoon siya sa CR tumatae."

-

Tawa naman kayo sa tatay ni Aimi.

RELATIONSHIP GOALS [SCENARIOS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon