Pia's pov
Napatingin samen si crush na cashier , dahil sa ingay namen.
nagulat ako nang natulala samen si crush at napa ngiti.omagash! ngumiti saken si crush!
May lumapit sakanyang co-worker niya same uniform e.para silang nagtutuksuhan kasi tinutulak nung lalake si crush , si crush naman napapatingin lang samen , di nagtagal lumapit samen yung lalaking kaharutan ni crush.
'Hey! Zupp! im wendel ..
pakilala nung lalake sabay abot nang kamay kay shin.
'Ahm im shin ,
nagshake hands sila , akala ko kakamayan din ako ni wendel pero nagulat ako ng inabot niya yung cellphone na hawak niya kay shin ,
'Pinapakuha ni daryll yung number mo!
Sabi ni wendell kay shin
'What? who's daryll?
tanong ni shin ,
tinuro naman ni wendell si crush
'Ayung pogi sa counter siya si daryll at crush ka niya.awch, saket!
yung lalakeng binabalik balikan ko dito sa forever 21 tuwing biyernes bago ko umuwi galing school? e may gustong iba? ang masaklap sa pinsan kopa? hello! ngayon lang nagawi dito si shin tapos napansin niya agad , pano naman ako?'Ahm excuse me lang ha? taken na kase ko e. etong pinsan ko nalang ang ireto mo jan sa daryll nayan!
nabuhayan ako ng sinabe ni shin yun.
'Ahm ok!
sagot ni wendel ..
'Halika punta tayo dun papakilala kita kay daryll.
dugtong pa ni wendel.
pumunta kame sa counter at ipinakilala nga ako ni wendel kay daryll si shin naman sumenyas saken na dun lang sya sa labas aantayin ako.
'Ahm dar taken na yung crush mo! pakilala ko nalang daw sayo tong pinsan niya.
'Ahm haha ok!
inabot saken ni daryll yung kamay niya.
'Im daryll and you?
'Pia !
'Nice name ,
'Thankyou ! ahm alis nako ah! babye , thankyou wendell
tumakbo nako palabas ng shop grabe nakakataranta
'Oh ambilis mo ah!
'Shin kasi nakakahiya tara na alis na tayo!
'Hahaha anung nangyare sayo.
'Basta tara na!
---
Shin's povUmakyat kame ng second floor para kumain muna sa isang fastfood sa loob ng mall ,
natatawa lang ako kay pia kasi hanggang ngayon parang state of calamity paren yung utak niya.
panay siya tingin sa kaliwa't kanan niya at panay hinga sa kamay niya na parang lamig na lamig sya.'Hoy maria pia amisaru campos!
'Ha? ano? Saan? baket?
'Umayos kanga ! nabaliw kana jan ah!
'Shin naman e. bat kailangan manggulat!
'Eh kase parang , lutang ka paden jan?
'Sory na!
Habang kumakain kame ni pia e may napansin ako sa kabilang table ng fastfood.
Si papa , yung anak niyang si clark at si vanessa yung bagong asawa niya , ang saya nila
..nakakabadtrip.
napansin ako ni papa at akmang lalapit samen sumenyas ako ng hinto at hinatak si pia ,
'Alis na tayo!
'Ha baket?
palabas na sana kame ni pia sa fastfood ng may nagsalita
'Shin! anak!
napalingon ako at nakita si papang umiiyak
lumabas kame ng fastfood
'Anak! anak miss na miss na kita!
'Ah ! imissyoutoo pa.sagot ko pero di ako makatingin sa papa ko nakayuko lang ako.
'Anak kamusta kana?
nagkukulang ba yung budget mo! nalilipasan kaba ng gutom?'Pa nakikita mo naman siguro sa itsura ko na di naman ako mukhang nagigipit diba? sapat naman yung pinapadala nyo ni mama , sige na ho! nakatingin si vanessa oh! si clark den baka magtanong kung sino ako. sigurdo di niya maiintindihan dahil bata pa sya at siguradong di ako ipapakilala ni vanessa kay clark bilang ate niya sa labas kaya sige napo! alis napo kame ..
Niyakap ako ni papa at bumulong saken
'Anak! magiingat ka lagi , sory kung nangyayare to saten ngayon.
umalis na kame sa lugar nayun ni pia at pumunta na sa dress shop para bumili ng damet goodvibes lang dapat.
pagdating dun may napansin agad akong namumukod tanging dress ..
Kulay dark blue at walang masayadong abubot napaka simple , eto ang gusto ko.
unang tingin lang ay nakapili agad ako samantalang si pia ayun isang oras bago makapili , kulay sky blue na dress ang napili niya may floral designs den na iba iba ang kulay ,
next destination namen ay sa salon , nagpa treatment ke ng buhok , medyo dry na kase.
habang tini treatment yung buhok ko e kinakausap ako nung babaeng nagaayos saken
'Alam mo madam , ang ganda ng pagkakahubog sayo ng mga magulang mo , ang ganda mo kasi talaga mala dyosa siguro ginawa ka talaga ng mga magulang mo ng may pagmamahal
' Siguro nga ate! ginawa nila ko nang mahal na mahal pa nila ang isa't isa. pero siguro pinalaki nila ko , sa kasinungalingan
'Ha? baket share mo naman!
'Hmm akala ko kase happy family kame , di pala
both parents ko may sarili ng pamilya , yang babaeng naka pink nalang ang kasama ko sa buhay'How sad! haha ano mo bayang babaeng yan
'Pinsan kopo!
'Haha lahi niyo talaga ang magaganda no? tingnan mo nga siya oh! tulog habang nagpapatreatment ang cute
BINABASA MO ANG
Fall inlove again sa ex kong strangers 💋
De TodoMahal na mahal ko talaga siya , kaya siguro di siya maalis sa isip ko. kaya ko naman siyang kalimutan e. yun nga lang literal 😭 ngayon alam ko na kung anong purpose ng sakit kong to. yung tipong kapag may isang tao o bagay na lagi kong naiisip o...