One week na ang nakalipas and ayun ganun pa din kami ni Xander, bangayan ng bangayan.
Si Queen nagiging masaya na dahil may nagpapasaya, naging close sila ni Tyler. Laging bumibisita si Tyler sa bahay and madalas din silang sabay kumain. Something's going on between them I guess?
Si Zoey naman busy pa din dahil president namin kaya madaming ginagawa, si Ivan ang katulong niya sa ngayon dahil absent ng 2 weeks yung VP namin.
Si Keila ofcourse si Ms basa...hahahaha! sinasamahan siya ni Josh pero nauuwi lang din sila sa away dahil magkaibaang genres ang type nila.
Shinare ko lang pero balik naman tayo sa realidad.
Nandito ako ngayon sa corridor naglalakad papuntang classroom at dahil maaga akong pumasok ngayon, solo ko yung daan.
Akala ko ang ganda ng umaga kaso may nakita akong hindi maganda.
May kalandian nanaman si Xander na si Krista, secretary ng student council namin.
Krista is known as b*tch, malandi and maarte. Kaklase namin yan at sa pagkakaalam ko din, isang linggo na niyang nilalandi si Xander.
*cough* *cough*
"Sa susunod kung maglalandian kayo wag dito, masyado kayong PDA mahiya naman kayo." at nandidiri pa akong tumingin sakanila.
"Ano bang pakiakam mo?!" ang b*tch talaga.
"Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Zoey na pumasok din ng maaga.
"B*tches are around," sabi ko sabay walk-out.
Hindi ko din pala nasabi na si Zoey ang kaibigan kong super cold ng dating bukod samin syempre kaibigan eh, kaya nga pinaalis na kami sa Yeez 1 month ago kasi ayaw niya ngumiti man lang sa customers, strangers daw yun.
Pagkapasok sa room pinasabugan ako ng tanong ni ms president.
"Ano bang pakialam mo sakanila? Ngayon ka lang yata nangialam ng mga taong naglalandian."
"Eh ang aga aga sa tapat ng room natin naglalandian, pda you know." sabi ko habang nag-aayos ng gamit sa locker.
"Huwag monsabihing nagseselos ka??" sabay ngisi
"Uyyy! nagseselos siya.." dagdag pa niya
"Hindi kayaa! Hindi ako para pumatol kay Xander, kaaway ko nga yun eh."
"Kaya pala namiss mo ah."
"Kanino mo naman nakuha yan?"
"Tinanong ni ate Ash kung sino daw yung lagi mong kaaway kasi daw namimiss mo." nakakainis talaga si ate Ash
"Hindi ko siya miss!"
Pinagtawanan niya lang ako saka ginawa yung mga projects na gagawin niya as president.
****
Pumasok na si Xander at Krista sa room na magkahawak ang kamay at nagtabi pa sila.
Kadiri.
May pinasulat yung prof namin at habang nagsusulat kapansin pansin na naglalandian yung dalawa, nakakainis.
"Sir may I go to the comfort room?" paalam ko
"You may."
I can't imagine, naglalandian sila ng may teacher. Hindi naman sila naghahalikan or what pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis, maybe I'm just tired. Kung ano-ano na napapansin ng mata ko.
Naghugas lang ako ng kamay and lumabas na din sa cr. Pagkabalik ko, bigla akong kinausap ni Queen.
"Selos ka noh?" biglang tanong niya sakin.
"Huh anong trip mo? at kanino naman?"
"Selos ka kila Xander at Krista.. pretty obvious."
"Obvious ka dyan, porket nag-cr selos agad? Kailan pa nauso yang kasabihan na yan?"
"Bahala ka, ayaw pa kasi aminin.."
-Lunch time-
Nakakasuka tingnan ang nagsusubuan na Xander at Krista sa kabilang table namin.
"Selos!" tukso naman ni Kei sakin
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nagseselos."
"Sus! Ayaw talaga aminin."
"Ewan ko sayo, balik lang ako sa room guys! Wala na akong gana." pagkasabi ko non ay nagtawanan sila, mga baliw talaga.
Nakakainis.
Nakakasuka.
Nakakayamot.
Selos agad, di ba pwedeng hindi naman talaga sila bagay?

BINABASA MO ANG
Ms. Pilosopo and Mr. Mapangbara
Teen FictionWhen Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?