Chapter 8

1.7K 91 1
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay dahil walang pasok, umuwi ako para makasama sila kuya.


"Umuwi ka dito para makasama kami pero hindi mo naman ako pinapansin.." pangungulit sakin ni kuya


"Ikaw talaga kuya, ang cute mo magtampo.. bihis lang ako, punta tayong coffee shop treat ko!"


"Yun oh! Sige bilisan mo, ireready ko yung sasakyan."


Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis, simple shirt and jeans will do. Gusto ko din dumiretso sa grocery to buy foods.


"Let's go.." aya niya at pumasok na sa sasakyan.


Sumunod lang ako sakanya tapos nagpunta kaming coffee shop.


"Since libre ko, ikaw na umorder.." suggestion ko


"Sige, money?" binuksan niya pa yung palad niya na akala mo batang nanghihingi ng pera.


Inabot ko sakanya yung money "Ayan na, alam mo naman favorite ko kaya ayun yung orderin mo."


Habang hinihintay si kuya bumalik, kinuha nung dalawang bata yung atensyon ko.


"Akin na nga yan, Kenji!" sigaw nung batang babae sa batang lalaki.


"Ayoko nga! Akin to eh."


"Nakakainis ka! Sa susunod itatapon kita sa basurahan."


"Kung kaya mo!" sabay belat niya dun sa babae.


Grabe! parang kami lang ni Xander kung magbangayan, ke babata pa.


"Huy!" biglang sigaw sakin ni kuya na nagbalik sakin sa realidad.


"Bakit?"


"Kanina pa kaya kita tinatawag, eto na nga order natin oh."


"Naagaw kasi nung dalawang bata yung atensyon ko.." tugon ko nalang


"Bakit? Ikaw ah, bumabalik ka na sa pagkabata."


"Hindi kaya! May naalala lang ako.." 


"Sus!"


"Ano balita sainyo ni ate Ash?" pag-iiba ko ng usapan..


"Okay naman, pumupunta naman siya sa bahay at okay naman kami.."


"Naku! Miss ko na kaya yun, sabihin ko nga mall kami ngayon."


"Hindi pwede!" sigaw niya sakin

Ms. Pilosopo and Mr. MapangbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon