Chapter 2

3.2K 117 37
                                    

Natutulog ako ng may narinig akong nagdabog ng pinto, "Ano ba yan?!?! May natutulog!" nakapikit kong sabi.


May sumigaw sa tenga ko kaya nagising ako, "BANGON NA PAPASOK TAYO!!!"


Minulat ko ang mga mata ko at nung nakita ko yung oras agad akong tumakbo sa CR at-nag ayos. Naabutan kong nagbabasa si Kei as always, si Zoey naman nag aayos samantalang si Queen ay wala.


"Si Queen??" tanong ko sakanila


"Sinundo ng boyfriend."


"Sige una na ako,  kita nalang tayo dun sa school magkanya-kanya na tayo ng dalang sasakyan." paalam ko sakanila


"Wait Thea. Sabay na ako sayo, sira sasakyan ko."


"Sige tara."


Tahimik lang kami buong biyahe hanggang makarating sa school. Pagdating sa school may humarang na 4 na lalaki samin.


"Kayo yung new transfer diba?" tanong nung isa


"Kami nga.." sagot sakanya ni Kei


"Kei maghahanap pa tayo ng schedule, we don't have time for them." sabi ko kay Kei at humarap sa mga lalaking nakaharang, "Excuse me."


"Pag sinabi kong ayoko?"


"Edi ayaw mo." sabi ko sakanya


'Woah' sabi nung mga kasama niyang lalaki


"Sige, gusto niyo atang malate sa klase eh edi haharang kami."


"Edi humarang kayo, magdusa kayo dyan!" sigaw ko sakanila at hinila si Kei papunta sa ibang daan.


"Kei nakita ko na kung saan nakalagay yung schedule,tara tingnan na natin."


Si Kei na ang nagvolunteer tumingin at sinabi niyang magkakalase kaming apat, matapos yon ay pumunta na kami sa room at saktong pagpasok namin, nakita namin yung humarang samin na mga lalaki kanina pero hindi na namin pinansin.


Nakita rin namin si Queen kaya umupo kami sa tabi niya at binato ko sakanya yung susi ko kasi siya ang key keeper namin para hindi mawala, maingat kasi siya.


"Anong mukha yan??" tanong ni Kei kay Queen

Ms. Pilosopo and Mr. MapangbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon