Chapter 5

2.3K 95 8
                                    

Parang kagabi lang, nag-usap kami ni Queen then ngayon nandito ako sa second class namin which is Science.


"Guys I will group you into 4 for our Science project, you're going to make a landscape of solar system using styrofoam and illustration board." pagpapaliwanag ng prof namin.


"Ma'am sa school po ba gagawin yan?" tanong ng kaklase ko


"No, pwede kayong gumawa sa mga bahay niyo if you want." sagot naman ng prof namin


"Group 1 - Marion Cruz, Zoey Pineda, Daian Tuazon and Ivan Alonzo. Next, Group 2 - Ryan Salvador, Iya Morales, Jane Gamboa and Josh Villanueva. Group 3 - Mikaella King, Zyllana Han, Nica Jin and Kate Fortalejo. Group 4 - Keila Perez, Tyler Bolivia, Xander Sy and lastly Thea Suarez."


"Para sa mga walang grupo, Research about solar system." pagtutuloy ni prof, "Class Dismissed."


Lumabas si prof habang tinawag kami ni Keila para pag usapan yung gagawin na landscape of solar system bago kumain.


"Saan nyo ba gustong gumawa ng project??" tanong samin ni Keila.


"Samin nalang." prisinta ni Xander


"Oo nga bro para makapaglaro din tayo." pagsang ayon ni Tyler


"No, wag na tayo kila Xander kasi hindi pwedeng maglaro." pagtanggi ni Keila "Sa bahay nalang namin nila Thea."


"Magkasama kayo sa isang bahay?" tanong ni Tyler


"Yeah."

"No, ayoko sa bahay niyo." pagtanggi ni Xander


"Edi dun ka gumawa sa kalsada, ayaw mo pala sa bahay eh." pangpipilosopo ko sakanya


"Edi sa kalasada din kayo, isang grupo tayo eh." pambabara naman niya


"Kahit pa. Dun na tayo sa bahay namin, that's a decision."


"Ikaw lang nagdecide??" tanong niya


"Nagdecide din si Keila."


"Dun tayo sa bahay namin." pagprisinta niya ulit

Ms. Pilosopo and Mr. MapangbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon