Bea's POV
Nagpunta agad ako sa kwarto ni mommy pagkagising ko.
"Mommy!"
"Hi apo." mommy tawag namin sa lola namin.
"Mommy, pupunta po dito mamaya yung kinukwento ko sainyo last night, di niyo siya nakita kahapon eh.. wala kayo, si Thea, yung kapartner ni kuya sa pageant."
"Ay,magpapractice sila ano... osiya sige, gusto kong makilala yang Thea na yan..."
"Opo naman mommy, ang bait nun and for sure magugustuhan niyo po siya." nag-thumbs up pa ako.
"Sige, pumunta ka na muna sa kwarto mo at maligo."
"Okay po mommy, love you po!" sabay kiss sa cheeks niya
Kaclose ko ng sobra si mommy kahit sa Canada ako nagaaral kasama sila mama, dito sa Philippines kasi naiwan si mommy para bantayan si kuya at ako na rin ngayon.
Sila mama at papa naman ay nagwowork sa Canada, OFW sila.. Si daddy naman wala na kaya si mommy, kami nalang pinagkakaabalahan.
back to the reality.
Nga pala, maliligo muna ako kasi dadating na si Thea mamaya after lunch.
---
Xander's POV
Talaga naman! Ang tagal ni Hannah maligo.. kakausapin ko pa naman.
"Hey kuya!" sabay model pa pababa ng hagdan saka pawave wave pa.
"Itigil mo nga yan! Tawagan mo na si Thea, papuntahin mo na dito."
Pagkasabi ko non bigla siyang tumawa, "Problema mo?"
"Anong oras ba usapan niyo?"
"1pm."
"Eh anong oras na ba?"

BINABASA MO ANG
Ms. Pilosopo and Mr. Mapangbara
Teen FictionWhen Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?