Thea's POV
Grabe pala talaga yung nangyari sakanya.. eh ako wala pa akong naging boyfriend noh!
"After ilang months pa ako nakamove-on non, di ako sanay. Tapos may transferee akong kaklase non na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako, that's Olivia. Niligawan ko siya then sabi siya ng sabi na sasagutin niya na ako onti nalang pero pinapaasa lang pala niya ako.. bigla ko nalang nalaman sa kaibigan niya na may boyfriend na siya simula palang, nakamove-on naman ako agad sakanya. Kasi madaming tumulong sakin."
"I'm so sorry, wala pa kaso akong naging boyfriend kaya ganun ako magsalita.." nayuyuko kong sabi.
"Okay lang ano ka ba.."
"Hindi ko na tatanungin yung nangyari sayo, baka maapektuhan din ako eh." kunyari ko pang tawa habang nagsasalita
Nginitian niya lang ako.
"Kanina pa tayo dito, naiinip ka na ba?" bigla niyang tanong sakin.
"Sakto lang."
"Gusto mo mag-practice?"
"Practice ng ano?"
"Ng sayaw natin."
"Tara ituloy natin ang laban!" masayang ngiti ko habang papunta siya sakin.
Pinrisinta niya ang kamay niya sakin at inabot ko naman yun.
Habang naghihintay ay nagsayaw kami ng nagsayaw.
Hindi namin namalayan ang oras, grabe!
"Ano palang nangyari? Bat di ka sumipot? I mean, I want to hear your side."
"Hmm di mo kasi ako pinag-explain.. sisi ka no?" asar niya
"Kapal! Hindi kaya!"
"Haha just jokin' ..well, bibigyan kita ng flowers pa-thank you. Nagpatulong ako sa kaibigan naming florist."
"Ha? Ganon ba? Sensya na ha.."
"That's fine."
"B-By the way pano pala tayo makakalabas?" bigla kong tanong
"Oo nga pala!" sabay sapo niya sa ulo niya
BINABASA MO ANG
Ms. Pilosopo and Mr. Mapangbara
Novela JuvenilWhen Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?