Xander's POV
Badtrip! Yamot!
Masaya naman ako at nakabalik na tong pinsan ko, samin pa nga magiistay eh, diba edi may kasama ako sa house kaso kasi pati ba naman sa school kasama ko siya tapos katabi niya pa si Thea dito sa room.
Mukha silang ewan na may sariling mundo sa paghaharutan..
"Bro, bat kanina ka pa badtrip dyan?" -Ivan
"Wala. Gutom lang to." napaiwas ako ng tingin
"Gutom na pala tawag sa selos ngayon." at natawa ang loko
"Baliw! Anong selos ka dyan? Ewan ko sayo."
"You know bro, kakadating lang ng pinsan mo tas parang iba ang welcome mo.. may gusto ka ba kay Thea?" nagulat ako sa tanong niya
Ako magkakagusto kay Thea? Asa!
Pero--- maganda naman sya.
"W-Wala no!"
"Wala ba talaga o in-denial lang? Bro ganyan din sabi ko kay Zoey noon pero habang tumatagal, saka ko lang narealize na siya talaga yung gusto ko.. bro bago ka pa maunahan, pumorma ka na agad.. parang hindi ikaw yung playboy na kilala ko, seryosohin mo this time with effort!" tinapik niya yung balikat ko
"Bro alam mo masaya ako para sainyo ni Zoey pero wag mo na akong idamay dyan, imposibleng magkagusto ako dun sa Theang babaeng yun no HAHA!" sagot ko
"Well, regrets are in the end." huling sinabi niya
********
"Well regrets are in the end.
'Regrets are in the end'
WALEYA SI IVAN, PINAPAGULO LANG ISISPAN KO!
Lumabas ako ng room and sakto andito si insan, break time kase.
"Uy insan! Hindi kita masyado nakakausap ah." bati niya
Alangan, kausap mo lagi si Althea eh.
"Oo nga insan eh, yaan mo pag-uwi nalang mamaya." at tipid akong ngumiti
"Sige Madami akong kwento! " at binro hug niya nako, "bye insan!"
At pumunta nanaman siya kay Thea, magsama nga sila!
"Uy!" Biglang sulpot ni Kei. "Sinong tinitingnan mo jan ah?" At curious pa syang tumingin sa tinitingnan ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Pilosopo and Mr. Mapangbara
Teen FictionWhen Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?