Alis agad ako papuntang school kasi ayokong hintayin yung mga kaibigan ko, lagi naman silang nang iiwan kaya ngayon, ako naman ang mang iiwan hahaha!
Pagkapunta ko sa school naabutan ko si Xander na nakaupo sa upuan niya sa classroom habang nagbabasa.
"Ikaw ba yan?? first time yata kitang nakitang nagbabasa."
"Eh gusto kong magbasa eh, ano bang pake mo?"
"Nagtanong lang, wala akong pakialam sa mga basura."
"Ang gwapo ko naman para maging basura, grabe!"
"Wow! kahapon lang close na close sila tapos ngayon nag aaway na." biglang pagsulpot ni Tyler sa pinto
"Kelan ba kami naging close?" tanong ko sakanya sabay upo
Nagbasa lang din ako para mamaya hindi na ako mahirapan, biglang may nagtapon ng papel sa harap ko "Ay kalabaw!!"
"Ano ba?! bakit ka ba nanggugulat??" tanong ko kay Xander
"Hindi ako nanggugulat, sorry nga pala akala ko kasi basurahan kaya dyan ko tinapon."sabay smile
Binato ko siya ng ballpen sa desk niya na tumama sa kamay niya "Aray!"
"Sorry din ah akala ko kasi lost and found, di ko kasi alam kung kaninong ballpen yan eh." sabay smile
"Sumusobra ka na ahh!"
"Sino bang nauna?! nagtatapon ka ng papel dito eh hindi naman ako basurahan."
"Tumigil nga kayo, umagang umaga away kayo ng away." pagsusuway samin ng president sa classroom na si Zoey
"Eto na nga, uupo na." sabi ko sakanya
****
Recess na, Yey!
"Ouch!" may nagbato sakin ng papel for the second time tsh!

BINABASA MO ANG
Ms. Pilosopo and Mr. Mapangbara
Ficção AdolescenteWhen Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?