Nagmahal, Nasaktan, Ginamit ang Isip

1K 10 0
                                    

Nagmahal ka,

Minahal ka ba?

Minahal ka nga, 

Seryoso ba?


Iniyakan mo siya,

Alam ba niya?

Alam nga niya,

May ginawa ba siya?


Sinaktan ka,

Nag-sorry ba?

Nag-sorry nga,

Inulit naman


Nagpaubaya ka na nga,

Eh, anong ginawa niya?

May ginawa nga siya,

Pero wala ka ng pakialam sa kanya


Minahal mo siya

Pero bakit ngayon hindi na?

Kasi naisip mo na mas mabuti ng mapag-isa

Kaysa magmahal ng walang kuwentang lalaki


At ngayon tapos na ang iyong pagtatanong

Ikaw lang din naman kasi ang gumagawa ng ikakasakit mo

Gamitin din ang isip,

Huwag puro puso

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon