Biyahe

915 16 0
                                    

Gusto kong mag-biyahe balang araw

Mag-isa o kasama ang aking mahal

Mag-tuklas ng mga bagong lugar

Matulog sa kotse

Tumigil ng maraming beses para lang pagmasdan ang mga tanawin

Bumisita sa mga museo

Makinig sa paborito kong album habang nagmamaneho

Magkaroon ng polaroid camera

Kumuha ng magagandang litrato ng paglubog ng araw

Kumuha ng litrato ng magandang ako

Tumakbo sa loob ng kagubatan

Habulin ang mga ulap

Magpalipas ng ilang oras sa hardin ng mga bulaklak para makagawa ng flower crown

Isabay sa hangin ang aking buhok

Bumili ng mga bagay-bagay

Makilala ng mga bagong mukha

Gusto kong gumawa ng mga hindi malilimutang alaala

Gusto kong maramdamang mabuhay

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon