Usap

715 11 0
                                    

Hindi naman sa gusto kitang pakasalan,
Hindi ako naghahanap ng kung ano pa man.
Pero iniisip ko man ang pakiramdam ng mayakap ka,
Sa ngayon, ang habol ko lang ang makausap kita.

Mag-usap tayo tungkol sa mga buhay natin.
Ang ating mga hilig, ayaw, takot at mithiin.
Anong paborito mong kulay?
Kamusta ang iyong pamilya at ilan kayo sa bahay?

Hindi natin mapapansin ang paglipad ng oras.
Tatawa tayo sa pagitan ng ilang salitang mabibigkas.
Palipat-lipat, papalit-palit ang mga temang babagtasin.
Nais ko'y makipag-usap hanggang mapanatag ka sa akin.

Mag-usap tayo tungkol sa ating mga lakas at kahinaan
Sa politika, sa sining, sa pag-ibig at digmaan.
At kung kailangan mo nang umalis, saka natin pag-usapan,
Kung kailan tayo magkikitang muli para mag-usap na naman.
***

A/N: Hi guys! May bago na naman akong trip! Spoken poetry! Nainlove na ako dito! Btw, lahat ng ipupublish ko ay originally made by yours truly. So please! Copyright! Haahaha..

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon