Takbo

1K 17 0
                                    

Magsisimula ako sa simula,
Kung saan tinabihan mo ako at tinananong kung sino ako
At ako naman tong parang ewan na sinabi agad sayo
Hindi ako nagisip kung masama ba ang intensyon mo
Kung baka mamaya aabangan mo na lang ako sa labas.
Alam mo kung bakit?
Kasi noong tumingin ako sa iyong mga mata.
Wala na.
Wala na ang malalaking pader na itinayo ko simula noong ako'y huling nasaktan.
Kung kailan ako huling natutong magmahal.

Pagkatapos ko sabihin ang aking pangalan ay tila bigla kang nabighani.
Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang napangiti.
At inialay ang iyong kamay at sabay sabi ng iyong pangalan.
Tinggap ko ang iyong kamay sabay tumakbo ako.
Tumakbo ako dahil alam ko kung saan na ito tutungo
Kahit sabihin mong pakikipagkaibigan lang ang intensyon mo.
Kasi mahina ako.
Oo, mahina ako.
Nang tignan ko lang ang iyong mga mata ay nasira na agad ang pader.
Ganon ako kahina.
Kaya tinakbuhan ko na lamang ang pagkakataong makasama ka.

Spoken Word Poetry (Wattys 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon