Para sa mga tawa.
Para sa pinagdaanang drama.
Para sa pangongopya.
Para sa napagalitan ni Maam kasi nahuling nangongopya.Para sa mga pagkakataong nagmahal at panahon na nasawi.
Para sa asaran at di mabilang na ngiti.
Para sa pangarap. Para sa balak maabot.
Para sa mga panalong ating napagtagumpayan.
Para ito sa pagod at poot.Para sa mga lugar na pinuntahan.
Para sa bukas, na kailanman ay hindi magiging tiyak.
Para sa problemang hindi napagkuwentuhan.
Para sa mga taong nalalagas nang di namamalayan.Para sa ating magiging anak na sabay palalakihin.
Para sa panahon na tayo'y makulit at minsan nama'y mahinhin.
Para sa kantang kahit sintunado ay tuloy pa rin.
Para sa mga panahong ang sarap mong asarin.Para sa oras na kita'y kakailanganin
Para sa ngayon. Para sa kagustuhang ito'y pagtibayin.
Para sa bukas. Para sa kakulangan na bubuuin.Para sa lakas na kayang tawirin ng pag-ibig ang mga dagat na papagitan.
At ang mga kandukan na naglalakihan.Para ito sa pag-alis
Pero higit sa lahat, para ito sa iyo.
At sa akin na nagpapaalam sa ating huling sandali.Para ito sa magiging tawa na hindi ka kasama.
Para ito sa dramang hindi mo na naaalala.
Para sa pangongopya sa iba.Psra sa nagmahal ay nasawi ba di ko na mikukuwento.
Para sa di mabibilang na lungkot.
Para sa pag-abot na wala ka sa tabi ko.Para ito sa kuwentong sabay nating sinulat sa papel at sabay nating lulukutin ngayon.
Isang yakap.
Sabay paalam.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry (Wattys 2016)
PoetryPoems and Quotes of my own || English || Tagalog This book of poems and quotes are all dedicated to my inspiration, the one and only, Edward Christopher Sheeran *Highest rank yet: #9* (07-30-17) Started: October 19, 2016 Finished: May 19...