"Hey, Emma! Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo diyan sa relong hawak mo. May importanteng lakad ka ba ngayon?"
Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ng amo kong si sir Matt. Sa sobrang layo ng itinakbo ng utak ko, hindi ko na namalayan ang pagdating ng boss ko sa office. "Naku sir, hindi naman po importante 'yung lalakarin ko ngayon."
Nginitian ako ni boss saka itinukod ang dalawang kamay sa harap ng desk ko. "But still, may lakad ka nga. You know what Emma, I think you should go now. Wala naman masyadong ginagawa dito sa office. Puntahan mo na kung sino man ang kailangan mong i-meet today."
Napangiti na rin ako dahil sa sinabi ng boss ko. "Talaga po sir?"
"Yeah. And by the way, that is a beautiful watch. Bagay sayo."
Iyon lang at naglakad na si sir Matt papunta sa office nito. Naiwan akong nakatulala. Hawak-hawak ko pa rin ang relong kanina lang ay mataman kong pinagmamasdan.
Bitbit ang shoulder bag ko ay tumayo na ako at naglakad palabas ng gusaling iyon kung saan nagta-trabaho ako sa isang publishing house.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang lugar kung saan kakatagpuin ko ang isang espesyal na tao sa buhay ko.
At habang lulan ako ng taxing sinasakyan ko, parang isang eksena sa pelikula na nagbalik ako sa nakaraan...
Year 2012
"Hey, Emma!" napalingon ako sa pinagmulan ng boses na tumawag sakin at ganoon na lang ang ngiti ko nang makita ko si Karen. She was my classmate last year. Nag shift lang ito ng course kaya kami nagkahiwalay. But despite that, nanatili pa rin ang friendship namin.
I texted her last night to see me here at Lando's coffee shop because I needed her help.
"Anong problema?" tanong ni Karen.
"Actually, wala namang problema. I just need your help, girl. Naghahanap kasi ako ng boarding house na pwede kong upahan. Alam mo naman, malapit na ang OJT days ko. I can't travel from Cavite to Makati every day." Well of course, I can. It was actually my parents who suggested that I look for boarding house so I don't have to travel from Cavite-where I live with my parents- to Makati everyday without getting enough rest.
And being the adventurous that I am, I agreed with their idea. Besides, higit na makakatipid ako ng pera at oras kung magre-rent na lang ako ng place na malapit sa suniversity na pinapasukan ko.
"May alam ka bang room for rent na malapit sa inyo?" I asked Karen.
Saglit na nag-isip ang kaibigan ko at pagkatapos ay ngumiti. "I think merong nagpapa-rent ng room somewhere in Cembo. I just don't know if the room is still available."
BINABASA MO ANG
Love. Sex. Escapade. [One-Shots]
Short StorySa mga napaiyak ng mga short stories ko, I'm happy na nagustuhan niyo po ang bawat kwentong nakapaloob sa post na 'to. Love you guys! This is a compilation of short stories which are not-so-wholesome! Haha. Anyway, kinikilig ako sa mga nagko-commen...