24: Honey in Korea

18.1K 266 2
                                    

He's a sexy STONE.

      -  Chiyo

💟💟💟

Grabe Chiyo, pinanindigan mo talaga ang hindi pag-galaw dahil lang sa nakapatong ang ulo ni Jhiro sa balikat mo?

Sobrang himbing kasi nang tulog niya kaya ayaw ko siyang istorbohin specially dahil ako ang dahilan kung bakit puyat na puyat siya. He's sleeping soundly habang naka hilig ang ulo niya sa balikat ko. I stared at him.

Tsk, kahit talaga anong titig ko sa taong bato na 'to gwapo parin. Pero mas nasasapawan talaga ng sungit niya kaya minsan wala ding kwenta. Sabi nga ni Chandra: 'Daig ng pangit na mabait ang gwapong masungit'.

I just stared at him like that wala naman kasing gagawin sa loob ng eroplano all I can do is sit there, tapos si Jhiro naman tinulugan ako. I'm so bored. Kaya sa sobrang bored ko I started bullying Jhiro.

" Jhiro Panget. " I muttered. Pfft. Hindi naman niya ako naririnig kaya ok lang.

" Jhiro the Demon king. " I continued badmouthing him.

" Boy bato, sungit, PMS King, Stone man, Menopausal! "

HAHAHAHA. Laugh trip, Pampatanggal ng stress bes. Sobrang pinipigilan kong hindi mapatawa ng malakas dahil baka magising siya, I was biting my lower lip para hindi kumawala iyon. I glanced at him, tulog na tulog parin Ito.

" Hayy, If only you're truly mine..kahit siguro nuknukan ka sa kasungitan papatulan kita. Kaso, hindi 'e. I know too well na malabong magkagusto ang isang tulad mo sa isang tulad ko. " Pabulong kong sabi. Wala lang, parang tanga lang ako na nag co-confess sa taong tulog na tulog. Well—Hindi naman talaga confession, more like a comment? Crush mo kasi. Deny ka pa.

Ugh. Pwede ba malanding pag iisip!! Huwag mo akong demonyohin.

Bumuntong hininga uli ako at tinitigan ko ulit ang mukha niya. But my sight caught his lips. Naalala ko tuloy ang paghalik niya saakin last week. That torrid kiss na nagpalusaw ng tuhod ko.. Napa iwas ako ng tingin. Umayos ka Chiyo! Ano ka teenager!? 

I'm debating with myself the whole ride just like that. Sobrang punong-puno ang isip ko tungkol kay Jhiro, sa kasal, sa torrid kiss, sa LAHAT. It's Not that I'm wavering. Wala lang talaga akong tiwala sa sarili ko. What if after this trip ma-fall talaga ako? What if, just what if —we'll become something different.. li-like a true Husband and wife?

If that'll happen...

I'll be .— a little bit Happy.. I guess?

***

Seoul, ( Korea )

Oh may gosh!! Nandito na talaga kami sa KOREA! I can't believe it! Hindi kaya nananaginip lang ako!? I tried pinching my cheeks but it hurts, meaning this is not a Dream but a Dream that came true! Humarap ako kay Jhiro he was looking at me too. I smiled and he— ayun deadma. Psh.

Inirapan ko na lang siya nung  nagpatiuna na siyang naglakad. I sticks my tongue behind his back and muttered 'bleh' sungit sungit talaga! I was punching him behind his back kaso bigla itong lumingon. I faked a smile.

He's MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon