*Nicole's Point of View*
=Friday Night=
Kanina pa ako di mapakali dito sa kwarto ko. Bukas na kasi flight namin eh, Tapos di pa kami nagkakaayos ni Ruzzel.
Gusto nyo ba malaman ang totoong nangyari samin ni Samantha kanina?
Geh.
*Flashback*
Papunta sana ako sa may kanto, Bibili ako barbeque. Naglilihi si lola eh. De joke lang.
Napadaan naman ako sa park, Lagi ba kayo nagtataka kung bakit sa park na lang lagi nangyayari ang rising action o conflict sa storyang ito? Di ko di alam eh. Tanong mo sa magagandang author..
Eto na nga, Nagulat ako kasi nandun si Samantha kasama yung Nash ba yun? Yung kabit nya. 'Nyeta talaga oh. Bakit na naman nya kasama yun?
Nilapitan ko sila.
"Ano na naman ba to Sam?!" sabi ko kay Sam
"Wala na.. Nasira na ang date namin. May dumating kasing pakelamera." parinig nya sakin
"Sam naman bakit mo ba to ginagawa kay Ruzzel? May boyfriend kana tapos may boyfriend ka ulit na iba? Ano yan part time job?! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na----"
"Please stop?! You’re acting like you are the girlfriend! Wala kang pakelam okay? Kaya wag ka ng umepal dito!"
"Nash umalis ka muna." sabi ni Sam
Automatic namang umalis agad yung Nash. Eh wala naman palang kwenta yun eh! Under agad!
"Sagutin mo nga ako ngayon Sam. Mahal mo ba si Ruzzel--- Hindi. Mali pala. MINAHAL MO BA SI RUZZEL?! HA?!"
"I never love Ruzze---"
*PLACKKK!*
"OUCH! He's just my toy!!" sabi ni Sam. Nasampal ko sya sa kawalangyaan nya.
Potek! Laruan ba si Ruzzel?! AKALA KO MATINO SYA, MAS MASAHOL PA SYA SA LINTA!
Sasampalin ko sana sya ulit ng---
"HEY STOP THAT!!!"
Napalingon ako sa likod ko..
SI PAREKOY!!
Nagulat ako ng hinawakan nya yung kamay ko. Wrist ko.
"P-Parekoy..."
*End of Flashback*
Pumunta naman ako sa kusina. Uminom ng Super Duper as in fresh in a major major Fresh Milk.
Ang Super Duper as in fresh in a major major Fresh Milk ay napakagandang inumin. Ito ay nagmula sa totoong baka at mga sikretong sangkap. Kaya bili na! Super Duper as in fresh in a major major
Fresh Milk ang inumin para sa ikagaganda ng Bayan! Sa halagang 2 pesos!
(Authors: Mahal ang mga product namin no!)
"Kule, Nakaimpake kana ba?" tanong ni lola habang kumakain ng oatmeal
Eksayted talaga to si Lola. Taeng-tae makapuntang steyts?
BINABASA MO ANG
I fell inlove with my bestfriend [UNEDITED]
Teen Fiction''Proloque Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mong lalaki? Pero di mo maamin dahil ayaw mong masira ang pagiging magbestfriend niyo? Eh, Paano mo kung pinili mong kalimutan ang nararamdaman mo sa kanya gayong ikaw din naman ang nilalaman...