•CHAPTER 24 (5 Years after...)

352 10 1
                                    

*Ruzzel's Point of View*

(1 week later)

"Magmumukmok kana lang ba dyan ha?! Idikit ko ng tuluyan yang mukha mo sa dingding eh. Oh baka naman gusto mong bumagsak ngayon sem? Gash Ruzzel Top natcher ka ng batch natin! Hahayaan mo na lang bang bumagsak yun?" sabi sakin ni Bea

Simula kasi nung umalis si Parekoy, Naging tamad na ko sa pag-aaral at naging matamlay. Pumapasok nga ako sa university, Lumilipad naman ang utak ko.

At eto, Nasa isang sulok at nagmumukmok.

Binubungangaan din nung tatlo.

"Kasalanan mo yan! Tatanga-tanga ka eh! Pinagsabihan ka na namin eh. Pero ayaw mo pa ding makinig!" sabi naman ni Margoux

"Bakit kaya nasa huli ang pagsisisi? Matatauhan kung kelan mawawala!!" si Gabriela

"Bwiset!! Di kayo nakakatulong!!!!!" sigaw ko sa kanila at lumabas ng roon at naglakad palayo

(Margoux, Bea and Gab short conversation)

"Hala napasobra yata tayo!!" sigaw ni Margoux

"Oo nga!!! Paktay!" sabi ni Bea

"Wew..."  sabi ni Gab

(Balik kay Ruzzel)

Bwisettt!!!!!! Di ako naiinis sa kanila. 

Naiinis ako sa sarili ko kasi lahat ng sinabi nila tama naman.. 

Pero bakit kelangan ipamukha? (Authors: Ano daw?! xD)

Nagpalamig ako sa may garden namin..

"Hayy.. Nicole..." sambit ko habang umiihip ang hangin

"Minsan di natin namamalayan na nasa harap na natin ang taong mahal natin..." nagulat ako sa nagsalita

pagkatingin ko sa kanya

"R-Rainier??" sabi ko ng gulat

Pero di nya ako pinansin at tinuloy ang sinasabi nya

"...Pinipilit lang kasi nating tumigin sa malayo kaya di natin napapansin ang halaga ng nasa harap..." sabi nya sabay tingin sakin

"..." sabi ko habang nakatingin sa kanya (SABI?!)

"Diba Ruzzel?" sabi nya sakin at ngumiti

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Nakakahiya mang sabihin. Oo, Ganun nga. Di ko namalayan na mahal ko na sya, di ko lang napapansin kasi  pinipilit kong tumingin sa iba.." sabi ko habang nakatanaw sa langit

"Mahal mo ba ang bestfriend mo? HIGIT PA SA KAIBIGAN?" tanong ni Rainier

Napatingin ako sa kanya.

"Oo. Mahal na mahal ko sya... Mahal na mahal ko si Nicole." sabi ko ng diretso sa kanya sabay kuha ng bato sa lupa

"Well.. Ipaglaban mo yan. Panindigan mo yang sinabi mo.." 

"Pero... Di ko alam kung mahal pa nya ako eh? At di ko alam kung mahaharap ko sya sa lahat ng katarantaduhang ginawa ko." sabi ko sabay hagis ng bato

"Kung talagang mahal mo sya. Balewala lahat ng yan.. Gagawa at gagawa ka ng paraan para mabalik sya sayo yun ay kung talagang mahal mo sya.." 

I fell inlove with my bestfriend [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon