CHAPTER 2.

42 0 6
                                    

RAVEN POV.

Iwan ko ba  bakit galit na galit ako kay kaith. Dati ko naman syang kaibigan pero kinakamuhian ko sya ngayon.
Nag umpisa lang ito noong kinasal kami. Ang saya- saya nya noong araw ng kasal namin, Samantalang  ako kabaliktaran  sakanya. Iniwan ko si Jean dahil sa kanya dahil yan ang gusto ni lolo. Noong araw ng kasal namin nakita ko si jean sa sulok ng simbahan  umiiyak. Gusto ko syang puntahan pero binalaan ako ng lolo. Kaya yong araw nayon  galit na galit ako kay kaith, Pagkatapus ng kasal namin di ko na hinayaang dumalo kami sa reception ng aming kasal. Malapit narin ang araw na mag kasama kami ni jean mahigit isang taon nakaming kasal ni kaith at pagdating ng dalawang taon iiwanan ko na sya at mag sasama nakami ni jean.  Minsan naawa ako kay kaith pero satuwing nakikita ko sya umaakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko..

Bago ako humiga tatawagan ko muna si jean, Oo kahit kasal ako kay kaith si jean parin ang mahal ko at hindi kami nag hiwalay.
Mangailang ring sinagot nya naman kaagad.

"Hello honny?" Satuwing marinig ko ang  busis ng babaeng  mahal ko nawawala ang stress at pagod ko. Napangiti naman ako sa busis nya siguro nagising ko sya.

"Yeah. How are you hon?"
Lambing kong sabi sakanya.

"Kailan mo ko bibisitahin dito sa states? Namis nakita hon."
Hikbi nyang sabi. Tsk di ko talaga sya  matiis.

"Hon, kunti nalang. Mag sama din tayo"

"Hon kailan pa? Gustong gusto natalaga kitang makasama hon."
-jean

"Malapit na okay? sigi na mag pahinga kana i love you"

"i love you too. Bye"

Agad ko naman nilapag ang ang cellphone ko sa table sa gilid ng kama ko.
Bumangon ako at lumabas sa kwarto para kumuha ng wine sa baba.
Napalingun naman ako sa pintuan ng silid ni kaith. At huli ko na nalaman  sa na buksan ko na pala ang pintuan ng kwarto nya at tumambad sa akin ang isang babaeng na nakahiga sa kama at mapayapang nakatulog.

Nilapitan ko naman ito at tiningnan ang maamo nyang mukha. Parang isang anghel na pinababa sa langit pero di nila alam ang tunay na anyo sa likod ng mukhang ito.. Isang maroming babae at malandi.

napatingin naman ako sa noo nya na may pasa at sa labi nya na nangingitim, Tinamaan siguro ng sampal ko kanina pero dapat lang yan sa kanya ang landi landi nya!

lumabas nalang ako ng kwarto nya, naiinis lang akong tumingin sakanya.
kumuha nalang ako ng wine at dinala sa kwarto ko.

Kinabukasan maaga akong nagising at nag handa para pumasok sa opisina.
Nakita ko naman  si kaith ns nagluluto. Tiningnan ko sya hanggang paa napa lunok naman ako ng makita ko ang suot nya. Naka short lang at malaking T'shirt lampas hanggang hita.

Ng maramdaman nya ang prisinsya ko agad itong lumingon at ngumiti.

"Kumain ka muna  bago pumasok sa trabaho"
Umupo nalang ako at kinuha ang kape na tinimpla nya.
Kumain lang kami ng walang imikan.

Pagkatapus kong kumain niligpit ko na ang aking kinainan at hinugasan, Hindi nakasi ako kumuha pa ng katulong. Kami lang naman at ayaw kong may ibang papasok dito sa pamamahay ko,

Pagkatapos kong hugasan ang kinainan ko agad naman akong umakyat para kunin ang mga gamit ko.

Nang nakuha ko na ang gamit na kailngan ko agad na akong lumabas at ni lock ang pintuan at umalis na walang paalam.


Ilang minuto nakarating na ako sa aking opisina at nagulat naman ako sa nadatnan ko.
Bakit andito sya! Napakuyom nlang ang aking kamao at pinakalma ang sarili.

"Anong ginagawa nyo dito LoLo?"
Iritableng sabi ko sakanya.

"Ganyan kaba mag bati ng Good Morning sa akin Apo"
Ngumiti naman ito ng nakakaluko.

"Siguro hindi kalang naka score kagabi ano? Apo?"
Napahagalpak naman ito ng tawa. Kinuyom ko nalang ang aking kamao.

"Ano ka ba naman Lo! Ano ba ang kailangan mo  bakit andito ka"
umopo ako sa harapan ng inuupuan nya..

"GUsto ko lang dalawin ang Apo ko at  nakikibalita kong mag kaka apo na ba ako satuhod." ngiti nyang sabi.

"Wala po Lo Okay. My gagawin paako Lo"
Binuksan ko naman kaagad ang loptop ko  at tumipa.

"Dadalaw pala ako sa  mansyon. Gusto kong kumustahin bukas si kaith. At habang dito ako sa Pinas doon muna ako mag stay sa mansyon."
Napaangat naman bigla ang ulo ko at tiningnan sya kong seryuso sya pero shit! seryuso nga talaga ang matanda.

"Okay po Lo. Sasabihan ko si kaith para mqkapag handa sya bukas"
Binalik ko nalang ang tingin sa mga ginagawa ko.

"Okay sige Apo. Maiiwan nakita mag kita nalang tayo bukas sa mansyon"
Tumango nalang ako at kinuha ang cellphone.

"Mag handa ka at ilipat mo ang lahat ng gamit mo sa kwarto ko. Darating si Lolo"
diko na sya pinasalita at pinatayan na kaagad. Umiinit ang ulo ko sa kanya.

tinapus ko na ang lahat ng mga papel at meeting para maka pagspend ako ng time sakay lolo at makasiguro na walang gagawin at sabihin si kaith kay lolo.
Nang bandang alas n'webe niligpit ko na ang mga gamit ko at umuwi ng bahay.












--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHORT STORY LANG PO ITO.  NAISINGIT KO LANG PO SA TIME KO. pasinsya na po sa mga rong grammar...





@sweetmisty_04

#ILOVEYEAH!:-*

HILLTON WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon