Hanna Pov.
Naitulak ko ang lalaking bigla bigla nalang nang yayakap.
Nagulat pa ako nang hilahin ako ulit nito at yakapin. Napakunot ang noo ko ng maramdaman na gumagalaw ang balikat nito at humihikbi..
"S-sir napaano po kayo?"
Taka kong tanong dito at agad naman itong lumayo sa akin at pinunasan ang mata."Wala pasinsya kana. May naalala lang ako sa kataohan mo"
Sabi nito at ngumiti ng di abot sa mata. Tiningnan ko ang mata nito at bigla lang may pumasok na mga tauhan pero malabo itoNapahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit at nagulat paako ng may humawak sa balikat ko.
"Miss are you okay?"
Tiningnan ko ito at umiling."Ahm.. Wala sige.."
Kinuha ko ang paninda ko at dali daling umalis.Narinig ko namang tinatawag ako ng lalaki peri di ko na pinansin ito.
Nang makarating ako sa bahay agad akong nag hilamos ng mukha.
Umupo ako ng upuan at umiling iling sa nararamdaman ko napahawak naman ako sa dib dib ko ng maramdaman ang tibok nito.
"Maaaaaah"
Napatigil ang pag muni muni ko ng marinig ko ang anak ko.Oo anak ko. Wala akong matandaan sa buhay ko. Naekwento dati ni nanay na nakita nila akong duguan dinala ako sa hospital at nalaman na nag dadalang tao pala ako.
Flashback..
Minulat ko ang aking mata. Nag taka naman ako ng puro puti ang paligid.
Inilibot ko pa ang aking paningin at doon ko nakita na sa hospital pala ako.
Ang nakakainis lang wala akong natatandaan kong ano ang nangyari sa buhay ko lalong lalo na sa sarili ko at kahit ang sarili ko di ko maalala kong ano ang pangalan ko.
"Good morning"
Tiningnan ko ang lalaking naka suot ng puting jackit na pang doctor."Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Tiningnan ko ang doktor na ngumiti napaka gwapo nito siguro kasing idad ko lang ito.Bigla ko nalang naisip na paano pala ako nakapunta dito. Napatulo ng luha ko ng wala akong maalala kahit pangalan ko man lang.
"Doc. Sino po ang nag dala sa akin dito. Mga magulang ko po ba sila. Bakit ako andito. Ano ba ang pangalan ko"
Napahagulhol ako saiyak ng wala talaga ako maalala.Nakita ko naman ang doctor na pakunot ang noo nito at lumapit sa akin.
"Hindi mo naalala ang pangalan mo o ang nangyari saiyo. Di naman naapiktuhan ang ulo mo. Merong isang lalaking matanda dinala ka dito isang buwan karing walang malay at noong dinala ka dito duguan ka at naalaman din naming buntis ka. Wala kabang matatandaan kahit ano?"
Pag kwekwento ng doktor. Umiling lang ako at patuloy parin ang pag luha."Sigi kong wala kang maalala bibigyan nalang kita ng pangalan pansamantala habang wala kpang pangalan" ngumiti ito at nang makuha ang pirmiso ko nag salita ulit ito." Hanna.. Okay lang ba pag Hanna nalang. Kong ayaw mo mag hanap nalang ta-"
"Gusto ko" di ko na sya pinatapos pa ng pagsasalita at sumang ayon naako dito.
"Sino po pala ang naghatid sa akin dito"
Tanong ko sa doktor dito.Numiti naman ito ng tipid at kumamot pa sa kilay ang cute lang tingnan.
"Lance nalang. Magkasing idad lang naman siguro tayo kong naaalala mo ang sarili mo." Ngumiti pa ito. Napaka aliwalas talaga ng mukha nito.
"Pupunta naman dito mamaya si tatang isko para dalawin ka. Sya ang nag dala sa'yo dito noong nag aagaw buhay ka"
Tumango lang ako at napatungo ng maramdaman ko ang nag babadyang luha sa aking mga mata"Wag kanang malungot mababait ang mga tao dito sa bayang sinilangan kaya wag kang mag aalala."
Hinagod pa ito ang likud ko."Salamat hah. Di ko man natatandaan ang buhay ko nag papasalamat parin ako sa panginoon na binigyan nya ako ng pangalawang buhay at di nya hinayaang may mangyaring masama sa amin ng anak ko at binigyan nya ako ng mga taong mababait at handang tumulong saakin."
"Wag kanang umiyak di bagay sa'iyo at mag pagaling ka hindi lang para sa sarili mo kundi para sa anak mo"
End of flashback....
"Mama. Okay kalang po ba?"
Tiningnan ko ang anak ko na yumakap pa sa biywang ko.Agad ko naman ginantihan ng puno ng pagmamahal at hinalikan ang noo ng anak ko. Ang gwapo at talino pa.
Siguro gwapo din ang ama ng anak ko. May asawa nakaya ako o napabuntisan lang."Anak okay lang si mama. E ikaw okay kalang din ba kamusta naman ang pag pasyal nyo ni papa lance"
Pinasyal kasi ni lance ang bata oo papa ang tawag nya sa kay lance at hanggang ngayon nang liligaw parin ito. Iwan ko ba parang may pumipigil sa akin na wag makipag relasyon sa iba.."Opo mama. Ang saya saya nga po namin ni papa lance kasi sumakay po kami sa bomb car doon po sa mall at nakikipag bundulan po kami sa ibang mga bata"
Ekweninto panito ang mga ginawa panila sa mall.Nang makahilamos at nka pag halfbath na ito binihisan ko na at agad naman itong natulog.
Tiningnan ko lang ang mukha ng aking anak at hinahaplos ito ng maaalala ko ang mukha ng lalaking malapit na akong mabundol kanina.
Bakit parang magkahawig ang mukha nila ng anak ko. May kaugnayan kaya ang lalaking iyon sa tutoong buhay namin ni kervin.
Pero paano. Wala akong maalala kahit kunti man lang. At bakit tinawag nya akong kaith kanina.
Kailangan kong makita ulit ang lalaking iyon. Pero saan ko naman hahanapin 'yon sa sulok ng pilipinas.
Tumabi ako sa anak ko at natulog narin wag komunang isipin ang mga bagay nayan ang mahalaga maayos kami ng anak ko.
***
Lame ba? Pssssh!
Hi sa masugid na mangbabasa sa storya kong ito. Suportahan nyo po.
Salamat..
Dont forget to drop your comment and click the star..muawhhhh!
Sweetmisty04
BINABASA MO ANG
HILLTON WIFE
ActionMaging masaya kaya si Kaith sa kamay ng Asawa na walang ginawa kundi saktan sya. Ano kaya ang kapalaran ni kaith sa kamay ng asawa kung malaman ang nakaraan nito.. Maging masaya pakaya ang pagsasama nilang dalawa kung puno ng kasinungalingan ang...