Warning 1: Why the Sudden Feeling?

70 3 0
                                    


Devougne's Point Of View

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Tumayo ako at dumeretso sa labas ng kwarto ko, wala pa ako naka-isang hakbang sa hagdan ay naririnig ko na dito ang ingay mula sa baba

"It's not my loss! Shut up!"

"Don't you think?! Because of that nonsense co-business of yours we need to risks our Family's Lives?!?"

"Shut it Emellie! This is our opportunity! WE NEED THIS!"

" NO JONATHAN! Kung hindi mo iyan bibitawan, aalis kami ng mga anak mo dito!"

Nakikita ko mula dito sa taas ang mga magulang ko. I don't know why but this past few weeks ay palagi ko nalang silang nakikitang ganyan.

Pagka-limang hakbang ko, nakasalubong ko si mama, tinitigan niya muna ako tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil ito pagkatapos dumeretso na sa taas, pagkababa ko nakita ko si papa na may hawak na beer at prenteng nakaupo sa couch.

Ako nga pala si Devougne Donelle Alcantara, 20 years old at graduate ako ng Openheim Academy a.k.a. Yna. My parents are Jonathan and Emellie Alcantara, may isa akong kapatid siya ay si Dax Donelle Alcantara. Parehas kaming may DONELLE sa pangalan dahil gusto ni mama magkaanak ng kambal pero hindi siya pinagpala kaya ginawa niya parehas ang second name naming ni kuya para magmukha kaming kambal. Dumeretso ako sa Dining Room para magbreak-fast.

"Manang Rose kumain na ba sila papa? Si kuya?"

Umupo na ako sa upuan at nagsimula nang kumain

"Yna hindi ako sigurado kung kakain pa sina Nathan at Mely, si Dax naman ay maagang lumuwas papuntang kompanya niyo"

Sanay na sa akin si Manang Rose dahil Grade 1 palang siya na ang nag-alaga sa akin, athan ang tawag niya kay papa dahil JoNATHAN at mely kay mama dahil sa eMELlie. Si Kuya Dax hindi na kami masyadong nag-uusap dahil siya na ang naging kanang kamay ni papa simula nung umalis si mama.

"Manang Rose bakit nag-aaway na naman sila mama?"

"Yna hindi ko alam, pagkagising ko'y nakita kong nag-uusap pa sila"

"Tapos na din naman ako. Akyat na ako manang Rose, kailangan ko pang nagligo, you know hangout with friends"Ngumiti ako kay aling rose.

"Ay nako ikaw talagang bata ka"

Nakita kong dumeretso siya sa lababo at nilagay doon ang pinagkainan ko

"BYE MANANG ROSEEEE"

Tumakbo na ako papuntang hagdan at Umakyat patungo sa kwarto ko, kinuha ko muna ang tuwalya bago dumeretso sa loob ng cr.

+++++

After doing my rituals inside the bathroom ay lumabas na ako, sanay na kasi ako magbihis sa loob ng cr. Habang naliligo ako ay iniisip ko parin kanina yung away nina papa at yung sa sinabi ni aling rose, malakas ang kutob ko na may alam siya sa nangyayari.

Bigla akong napalingon sa kanan, pagtataka at may konting takot ang gumuhit sa aking mukha, hindi makagalaw ang katawan ko dahil sa pagkakaalam ko'y hindi bukas ang tv, habang pinapanood ko'y isang pangyayari ang pumukaw ng atensyon ko..


"Nagbabagang balita, isang bangkay ang natagpuang nakagapos sa gubat at sinabing patay na! Ika-23 na krimen na ito simula noong nakaraang buwan. Isang krimen na naman ang nangyari ngayong araw na ito. Sino kaya'y ang may pakana sa likod ng mga.."

Narinig kong nahulog ang remote..pero hindi iyong ang kinakabahala ko, hiwakan ko ang dibdib ko at ang lakas ng tibok nito..

Iba ang naramdaman ko sa balitang iyon parang..

Dali-dali kong pinulot ang remote at inoff ito, Lumabas na ako at pagbaba ko walang akong nakikitang tao sa sala bukod sa akin kaya lumabas nalang ako ng bahay at nagpahatid sa driver sa mall, itext ko nalang mamaya si mama..


Hanggang dito.. iba talaga ang nararamdaman ko doon

Why the sudden feeling?

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now