Warning 2: Who?

41 3 0
                                    



Devougne's  Point of View


Nandito ako ngayon sa isang boutique dito sa mall, sinabi ko nalang sa kanila na dito nila ako puntahan.


"YNAAAAAAAAAAAAAA!!"


Mula sa entrance, nakita ko sina Cara at Jennie bigla silang tumakbo habang hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanila, nakipag-beso sila sa akin at ang lapad ng mga ngiti.

"So what now? If I know may ginawa naman kayo no? hmm..."

Habang chinecheck ko ang dress na nakuha ko at tinitignan ang sarili ko sa mirror, nakita kong nagkatinginan sila at tumawa ng napakalakas-lakas pinagtitinginan tuloy kame.

"Si..si hahahaha Cara bigla hahahaha.. tinapilok ang ex niya sa harap ng bago niyang girlfriend hahaha..!"

Tawang-tawa na sambit ni Jennie habang pinupunasan ang luha niya. Si Cara naman ay tawa parin ng tawa tila ba'y nakaganti na siya may pataas ng kamay pa siyang nalalaman at sumisigaw ng

"YESSS OOOOHHH YESSSS!!"

See?a Bunch of Crazy people with their unreasonable actions.


Pagkalabas namin ng boutique ay dumeretso kami ng Salon, pagkapasok namin ay umupo ako sa isa sa mga Vacant seats dito. Nakita ko si Jennie kumuha ng magazine, Lumingon naman ako kay Cara at nakita kong kinakausap niya ang stylist niya.


Si Jennie Delvar at Cara Marie Shimano ay mga Elementary bestfriends ko, simula noon lahat ng school mula Highschool to College ay pare-pareho na kami, magkaing-edad lang kami ni Jennie habang si Cara naman ay 21 years old na. Si Jennie ay isang head chef ng isang sikat na restaurant dito sa pilipinas, sa pagkakaalam ko pamilya niya ang may-ari nun. Si Cara naman ay siya na ang humahawak sa kompanya nila, as for me hindi muna ako pinatrabaho ni papa dahil hindi pa ako ready dahil ang kompanyang hinahawak naming ay hmm... Let's just say it's company for people who needs help.


"What can I do for you ma'am?"

"Trim my hair with the style that fits for me and dye it with blonde."

Nginitian ko yung stylist at kinuha yung magazine na nasa harapan ko at nagsimula na itong basahin. Tinitignan ko yung mga pages pero isang page lang ang pumukaw ng atensyon ko..



"A forest where many people believed that it was a Cursed Forest .. someone said that if you reached the middle part, a wide-long yellow sign is encircling it and the red spottings on it was believed a blood by a persons who've been killed in there, it's indeed a Restricted Area..."


Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ko dahil ito na naman yung takot at kaba na nararamdaman ko. This..this forest is indeed mysterious hmm...

Nakalabas na kami ng Salon at napagsyahang kumain muna kaya tumigil muna kami dito sa Fast Food Chain. Si Jennie at Cara na ang nag-order, lumingon ako sa kanila at nakita kong nagbabangayan pa ang dalawa,dahil siguro sa pagkain tch

 

"Ah oo nga haha.. ano na kaya ang nagyayari sa kanya ngayon haha!"

"kung nakita mo lang! His face was hilarious! Hahahaha!"

Nakita kong papalapit sila dito at mula dito naririnig kong nag-uusap sila tungkol siguro sa ginawa nilang magpapahiya sa ex ni Cara.


"Girls I think I need to take the call of nature, cr lang ako! Byeeeee~"

Pagdating nila ay nagpaalam na ako kaagad,kanina pa ako gusto mag-*beep* kaya inantay ko nalang sila hanggang makarating sa table. Hindi ko na inantay ang sagot nila dahil kumaripas na ako ng takbo.

Pagdating ko sa cr ay tumigil muna ako sandali pagkasara ko ng pinto, hingal na hingal akong dumating dito dahil sa dami ng tao at nahirapan pa akong hanapin ang cr dito. Napansin kong ako lang yung tao dito kaya dumeretso na ako sa isang cubicle. Ano na kaya ang ginagawa ng dalawang yun? Hm


Paglabas ko, muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko napahawak kaagad ako sa pintuan ng cubicle, may isang babaeng itim lahat ng kasuotan at naka-shades, naghuhugas siya ng kamay, napansin niya ata ako kaya umurong siya ng konti, naghugas kaagad ako ng walang lingon-lingon, lalabas na sana ako pero may biglang humawak sa kaliwang kamay ko na ikinagulat ko.


Napalingon ako.

*gasps*


Yung babaeng nakaitim siya ang humawak, bawiin ko na sana yung kamay ko pero


"You Know his name."


Siya na ang bumitaw at iniwan akong nakatulala, narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.


You Know His name?


Who?

RESTRICTED AREA [on-going]Where stories live. Discover now